Ramirez humihirit pa ng P1B badyet para sa PSC
- Published on October 22, 2020
- by @peoplesbalita
NANANAWAGAN ang Philippine Sports Commission (PSC) sa Kongreso na madagdagan pa ng pondong P1.1B para sa 2021 badyet sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA).
Ipinaliwanag ni nitong Biyernes, na ang P207M 2021 PSC budget na itinakda ng Department of Budget and Management (DBM), ay nakalaan lang para sa management at operational expenses ng ahensiya.
Kabilang doon ang pasuweldo at bayarin sa regular employees at maintenance sa sports facilities na gaya ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Maynila, PhilSports Complex (PSC) sa Pasig at Teachers’ Camp sa Baguio.
Mahigit kalahati ng P1B additional funds na nais ng PSC ang mapupunta naman para sa paghahanda at aktuwal na partisipayon ng bansa sa 32nd Summer Olympic Games 2021, 16th Paralympic Games 2021 na parehong parehong nakatakda sa Tokyo, Japan;
Gayundin para sa 31st Southeast Asian Games 2021 sa Vietnam, ASEAN Para Games, 6 th Asian Beach Games 2021 sa Sanya, China at 6 th Asian Indoor and Martial Arts Games 2021 sa Bangkok- Chonburi, Thailand.
Hinirit ng opisyal na kailangan ng PSC ng P150M para sa Tokyo Olympic Games at P100M para sa sa pagtatanggol ng ‘Pinas sa titulo ng SEA Games.
Ang natitirang kalahati ay para naman sa PSC projects pati na rin sa naudlot na renobasyon o kumpuni ng RMSC at PSC.
Dalangin kong pakinggan ng mga pulitiko natin ang pakiusap ng PSC para sa kabutihan ng ating mga atleta at patuloy napagangat ng PH sports. (REC)
-
2 nalambat sa P170K shabu sa Navotas
Dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang timbog matapos makuhanan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas city, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Navotas police chief Col. Rolando Balasbas ang naarestong mga suspek na si Jaymar Marquez, 28 ng Inocencio St. Tondo at […]
-
Cebu City, isinailalim na sa state of calamity dahil sa Bagyong Agaton
TULUYAN nang nagdeklara ng state of calamity si Cebu City Mayor Mike Rama sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Agaton na nagdala ng walang humpay na pag-ulan sa lungsod. Alinsunod sa rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council, ipinatupad rin ng alkade ang “no work, no classes” ngayong araw bilang preventive […]
-
Haponesa sasawatain si Saso
KAKASAHAN si Yuka Saso ng Pilipinas nG 16-time Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) champion na si Ai Suzuki ng Japan para hindi maparehasan ang three-straight title mark niya sa mayamang liga. Maski ang iba pang mga kasali kaparehas ang misyon ng Japanese laban sa 19-year-old na Fil-Jap sa paghampas ngayong Biyernes (Setyembre 4) […]