Random manual audit, 99.9% ang match rate sa automated tally – Comelec
- Published on May 24, 2022
- by @peoplesbalita
AABOT sa 99.9 percent ang match rate ng isinasagawang random manual audit (RMA) ng mga boto noong May 9 elections kumpara sa automated tally.
Ayon sa Commission on Elections (Comelec), nasa 99.97 percent accuracy ang naitala para sa presidential position, 99.94 percent naman para vice presidential, 99.97 percent sa senatorial, 99.79 percent sa party-list, 99.95 percent sa mga miyembro ng House of Representatives at 99.94 percent para sa mayoral positions.
Ang resulta ng RMA ay base sa 128 sa 757 o 16.91 percent ng total sample clustered precincts.
Sinabi naman ng poll body na ang computation ng preliminary accuracy rate ay base sa marks at votes sa kada posisyon.
Ito ay encoded ng Philippine Statistics Authority (PSA). (Daris Jose)
-
Umaming napagsabihan ni Direk Chito dahil nakukulangan: LORNA, strong support kay JUDY ANN sa ‘Espantaho’ at ‘di maglalaban sa best actress
AMINADO si Ms. Lorna Tolentino na strong support siya kay Judy Ann Santos sa ‘Espantaho’ na filmfest entry n Quantum Films sa 50th MMFF na magsisimula na sa December 25th. Kahit na ang billing nila sa poster ng movie ay magkasinglaki, si Judy Ann pa rin ang pinaka-bida at hindi sila maglalaban sa […]
-
Gilas Pilipinas target pa rin na makuha si Kai Sotto sa November window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers
TARGET ng Gilas Pilipinas na makasama si Kai Sotto para sa November window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers. Sinabi ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes, na nakikipag-ugnayan na ang Samahang Basketball sa Pilipinas (SBP) sa Basketball Australia para hiramin si Sotto. Nasa ikalawang taon na kasi si Sotto sa Adelaide […]
-
Nawawalang mangingisda, natagpuan na
NATAGPUAN na ng mga tauhan ng Coast Guard District Northwestern Luzon ang isang mangingisda na tatlong araw nang pinaghahanap sa baybayin ng Agno, Pangasinan. Kinilala ng PCG ang mangingisda na si Dexter Abalos, 32 anyos at nakatira sa Brgy.Aloleng Agno, Pangasinan na pumalaot pa noong Pebrero 7. Gayunman, nang pabalik na […]