• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rarampa sa City of Love bukod sa Rome: SOFIA, invited sa second part premiere ng ‘Emily in Paris’

LUMIPAD ang Sparkle teen star na si Sofia Pablo sa Rome for business and little bit of R&R.

 

 

Sa kanyang Instagram account, pinost ng ‘Prinsesa ng City’ Jail star ang kanyang excitement sa pagpunta sa Rome.

 

 

“Off to Rome for some new adventures ✨… and a little something with @emilyinparis Season 4 stay tuned,” caption pa niya.

 

 

Invited din si Sofia sa magiging second part premiere ng Netflix series na ‘Emily in Paris’ on September 12. Kaya rarampa rin si Sofia sa City of Love.

 

 

***

 

 

TULUYAN nang nagpaalam si Che Ramos-Cosio sa kanyang karakter sa award-winning medical drama na Abot-Kamay Na Pangarap.

 

 

Sa episode na ipinalabas noong nakaraang Biyernes, September 6, malungkot na ibinalita ni Dr. Luke (Andre Paras) na pumanaw na si Dra. Katie, ang karakter ni Che sa serye.

 

 

Sa Instagram, makikita ang post ng aktres tungkol sa pagpapaalam niya kay Dra. Katie.

 

 

Sulat ni Che sa caption: “Rule 1…I sincerely loved Katie Enriquez. What an absolute joy to have been able to be in her shoes! As an actor it is not often to come across a character so easy to love… It wasn’t so much the character but what she stood for that we really loved.

 

 

“Maybe we loved her for her grit, her honesty, her integrity, straightforwardness and choosing to fight for what is right. So maybe we all loved the giant in her. It is my hope that the giant in her inspires the same in us. Maraming Salamat, Doc. Paalam at hanggang sa muli.”

 

 

Nakilala si Dra. Katie sa serye bilang istriktong chief resident sa APEX Medical Hospital na kalaunan ay nagtrabaho rin sa Eastridge Medical Hospital.

 

 

Siya rin ang isa sa mga doktor na labis na hinangaan ni Dra. Analyn Santos, ang karakter ni Jillian Ward sa serye.

 

 

Nakilala si Che Ramos sa paglabas nito sa mga indie films tulad ng Captive, Mariquinq, Toto, MNL 143, Ka Oryang, Mangatyanan at Ataul For Rent.

 

 

***

 

 

PUMANAW na ang Brazilian musician na si Sergio Mendes noong nakaraang Sept. 6.

 

 

Ang iconic musician na nagdala ng bossa nova to international audiences noong 1960s, ay namaalam sa edad na 83 sa Los Angeles, California.

 

 

Ayon sa statement ng kanyang pamilya, matagal na nagkasakit si Mendes na epekto ng pagkakaroon niya ng COVID virus.

 

 

Nanalo ng tatlong Grammy Awards and one Oscar nomination si Mendes mulacaa kanyang 35 albums na naging gold at platinum.

 

 

Huli siyang nag-perform ay noong November 2023 in Paris, London and Barcelona.

 

 

Ayon sa American musician Herb Alpert: “Mendes was an extremely gifted musician who brought Brazilian music in all its iterations to the entire world with elegance and joy.”

 

 

Kabilang sa mga naging hit singles ni Mendes ay Mas Que Nada, The Fool On The Hill, Never Gonna Let You Go, What Do We Mean To Each Other, The Look Of Love, Magalenha, Bridges, Going Out Of My Head, and With A Little Help From My Friends.

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Displaced jeepney drivers posiblengkunin contact tracers sa COVID-19

    Pinag-uusapan ng pamahalaan ang posibleng pagbibigay ng trabaho sa mga displaced na jeepney drivers bilang contact tracers para sa COVID-19.   Ang pamahalaan ay may planong gumastos ng P11.7 billion upang mag-hire ng mga contact tracers sa loob ng tatlong buwan.   Sila ang mag-identify ng mga taong nagkaroon ng close contact sa mga taong […]

  • Sagot niya, “Should I remove mine? Labo mo tol”: HEART, pumatol na naman sa basher na pumansin sa ‘boobs’ niya

    NI-RETWEET ni Heart Evangelista ang pinost ng GMA News tungkol sa painting collaboration nila ng Incubus frontman na si Brandon Boyd.     Kahit marami ang natuwa at nag-congratulate sa Kapuso actress at fashion icon, meron at meron pa ring papansin at walang magawang maganda na basher.     Sa photo nina Heart at Brandon […]

  • Sinampahan ng kaso ni Sandro, may apela sa publiko: NIÑO, humihingi ng dasal at nagpapasalamat sa lahat ng sumusuporta

    MATAPOS na isiwalat ng GMA sa kanilang official statement na pormal nang nagsampa ng reklamo si Sandro Muhlach są network laban kina Jojo Nones at Richard Cruz na hindi na idinetalye ang nilalaman nito, ay pinarating ang abogado ng daalwang independent contractors.       Ayon kay Atty. Garduque, na iniulat ng “24 Oras” noong […]