Ravena biglang sumikat sa Asya sa paglalaro sa Japan
- Published on November 12, 2020
- by @peoplesbalita
NAGING instant celebrity o agad nakilala si Filipino basketball star Thirdy Ravena ng fans mula sa Asya at iba pang bahagi ng mundo nang magsimula itong maglaro sa Japan Professional Basketball League.
Ayon sa ulat, ang debut game nito bilang Asian import sa San- En NeoPhoenix na naka- streamed online ay umabot sa halos one million views bilang pagpapakita ng mga Pinoy ng suporta sa UAAP star.
Sa statement ng B.League, ang kabuuang bilang ng kanilang Live viewers sa English Facebook page at YouTube page ay pumalo sa halos 910,000, na may peak na simultaneous viewers na aabot sa 90,000.
Sinabi ng liga na ang malaking numbers ng viewers ay patunay na si Thirdy ay isang mahusay na manlalaro ng Asya.
Ipalalabas din ng live via FB at YouTube channel ang susunod na walong laro ni Ravena sa NeoPhoenix, ayon sa liga.
Naglaro sa kanyang debut game ang dating Ateneo star sa panalo ng San-En kontra Shimane Magic noong Sabado kung saan pumuntos ito ng 13 points at noong Linggo naman ay rumehistro ito ng halos double- double na 12 points at eight rebounds, pero kinapos ang San-En kontra sa kaparehong team.
-
Virtual concert ni NADINE, tuloy pa rin kahit may isyu pa sa kontrata sa Viva; nagpapasalamat kay JAMES
NAGLABASAN na nga sa iba’t-ibang news ang resulta ng kaso ni Nadine Lustre sa Viva at isa sa mga ito ay ang kailangan daw i-honor ang kontrata niya. Nang tanungin ni Boy Abunda sa kanyang YouTube channel si Nadine tungkol dito, isang matipid pero tila may kumpiyansa pa rin na sagot niya, […]
-
Hall of Famers, sinala ng PSC
INUMPISAHAN na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagpili sa mga ilalagak sa 2020 Philippine Sports Hall of Fame kahapon (Martes) ng umaga sa PhilSports Complex sa Pasig City. Nangunguna sa Philippine Sports Hall of Fame (PHOF) 2020 Committee sina PSC Chairman William Ramirez bilang tagapangulo, at Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham Tolentino […]
-
Watanabe, Knott pasok sa Tokyo Olympics
Nadagdagan pa ng dalawa ang bilang ng mga atletang isasabak ng Pilipinas sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8. Ito ay matapos makakuha ng Olympic berth sina Fil-Japanese judoka Kiyomi Watanabe at Fil-American trackster Kristina Knott sa pamamagitan ng continental quota at universality slot, ayon sa pagkakasunod. […]