• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ravena paramdam na tuloy sa B.League

UNANG bumulaga ang pasabog ng Shiga Lakestars napapirma na si Philippine Basketball Association star Kiefer Isaac Ravena ng NLEX bilang Asian Quota player o import sa 6th Japan B.League 2021-22 nitong Miyerkoles ng hapon.

 

 

Ilang oras ang nakalipas, nilabas ng statement ang North Luzon Expressway na naggigiit na kailangang sumunod sa UPC o Uniformed Players Contract ang 27-year-old, six-footer Ilonggo point guard ng Road Warriors.

 

 

Hinirit pa na ang posisyon ng team ay  alinsunod lang sa UPC at polisiya ng pro league. Pero si Ravena tila nagparamdam na tuloy na ang pagsama sa batang utol na si Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III sa land of the Rising Sun.

 

 

Huwebes ng hapon, todo pasasalamat na siya sa NLEX management at ilang matatas opisyal na naging bahagi ng kanyang career sa PBA at sa Gilas Pilipinas o national men’s team.

 

 

“In light of Wednesday announcement, I would like to thank my team, Shiga Lakestars, for this once-in-a-lifetime opportunity. Thank you for the trust and belief that a Filipino can perform and play in such a prestigious league. Domo arigatou gozaimasu,” pahayag ng basketbolista.

 

 

Kung titimbangin ang post ni Ravena, pinayagan na siya ng big bosses ng koponan sa pangunguna ni owner Manuel V. Pangilinan.

 

 

Nagpasalamat na rin siya kina Metro Pacific Investment Corp. chief Rod Franco, team executive Ronald Dulatre, si coach/team manager Joseller ‘Yeng’ Guiao at mga kakampi. (REC)

Other News
  • NADINE, patuloy na lumalaban sa mga kumplikasyon tuwing nagbubuntis at muntik nang makunan

    PATULOY na lumalaban ang aktres na si Nadine Samonte sa mga nagiging kumplikasyon tuwing nagbubuntis siya.     Sa pinost ng former Kapuso actress via Facebook, muli niyang pinagdaraanan sa kanyang ikatlong pregnancy ang hormonal disorder na Polycystic ovary syndrome or PCOS at Antiphospholipid or APAS.     According to the Mayo Clinic website: “PCOS […]

  • Cardinal Advincula natanggap na ang pallium mula kay Pope Francis

    Natanggap na ni Manila Archbishop Cardinal Jose Fuerte Advincula ang pallium na mula kay Pope Francis.       Pinangunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Most. Rev. Charles Brown ang pagkakaloob ng pallium kasabay ng misa sa Minor Basilica of the Immaculate Conception o kilala bilang Manila Cathedral sa Intramuros, Maynila.       […]

  • Malakanyang, masaya sa kasalukuyang employment situation sa Pinas

    PARA sa Malakanyang, gumanda ang employment situation sa bansa dahil sa patuloy na muling pagbubukas ng ekonomiya.     Ito ang dahilan upang mas maraming job opportunities ang malikha sa gitna ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.     Ikinatuwa ni acting Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar ang resulta ng March 2022 Labor […]