• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ravena, ‘Pinas olats sa NZ

NAWALANG saysay ang tikas nina Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III at Dwight Ramos nang tambakan ang Gilas Pilipinas ng New Zealand Tall Blacks, 88-63, sa 2023 International Basketball Federation World Cup Asian Qualifiers sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City Linggo ng gabi.

 

 

Lumamang lang ang host Philippine quintet sa 5-4 sa opening period, saka ginawa na ng NZ n sariling palabras ang salpukan at iputong sa sa mga Pinoy ang unang talo sa torneo sa tatlong asignatura.

 

 

Patungo sa laro, nagwagi ang mnga alipores ni national coach Vincent ‘Chot’ Reyes sa South Korea via forfeiture sa India 88-64. Hindi na pumunta ng Pinas ang mga Koreano dahil sa COVID-19 sa team.

 

 

Ratsada si Ravena ng 23 points, tig-5 rebounds, assists at steals samantalang mayroong 18 markers at 10 boards si Ramos. Bumakas si Robert Bolick ng 10 puntos sa pagdausdos ng Nationals sa  Group A second place.

 

 

Sinolo ng visiting team ang tuktok sa 3-0 sa  bangis ni Tom Vodanovich na rumagada ng 20 pts. at 20 rebs. ni Tom Vodanovich may 20 iniskor din ang kapwa Most Vluable Player niya sa NZ National basketball League na si Dion Prewster.

 

 

Ang iskor:

 

 

New Zealand 88 – Prewster 20, Vodanovich 20, Loe 15, Samuel 12, Rusbatch 10, Harris 5, Fahrensohn 4, Britt 2, Wynward 0, Rodger 0, Gold 0, Cook-Green 0.

 

 

Philippines 63 – Ravena 23, Ramos 18, Bolick 10, Kouame 5, Pogoy 4, Rosario 2, Williams 1, Erram 0, Navarro 0, Tungcab 0, Gomez de Liano 0, Montalbo 0.

 

 

Quarters: 22-19, 40-30, 65-48, 88-63. (REC)

Other News
  • Mens football team mas gumanda na ang performance

    IPINAGMALAKI ni Philippine men’s national football team head coach Albert Capellas na nagkaroong ng magandang pagbabago na ang koponan.     Kasunod ito sa pagkamit ng koponan ng bronze medal sa katatapos King’s Cup sa Thailand.     Sa nasabing torneo kasi ay tinalo nila ang Tajikistan 3-0 para makapasok sa ikatlong puwesto.     […]

  • Pagpapatuloy ng visa-on-arrival scheme, hinirit para sa mga Chinese nationals

    SUPORTADO ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang pagpapatuloy ng visa-on-arrival scheme para sa mga Chinese nationals.     Tinukoy ang potensiyal na paghikayat  para mamuhunan sa bansa, ayon kay ARTA Director General Ernesto V. Perez sa sidelines ng isang  forum na inorganisa ng German-Philippine Chamber of Commerce and Industry sa Makati City.     Sa […]

  • 2 DRUG SUSPECTS NALAMBAT SA HIGIT P.9M SHABU

    Dalawang drug suspects ang  nalamabat ng mga awtoridad matapos bentahan ng shabu ang isang police poseur-buyer sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.   Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas na ang pagkakaaresto kay Albert Ryan Pascual, 45 […]