RAYVER, stick to one lang at ayaw na paiba-iba ang girlfriend
- Published on August 3, 2021
- by @peoplesbalita
NASORPRESA si Glaiza de Castro sa ‘Pinoy Abroad Fun Connect’ ng GMA Pinoy TV, na nakipag–bonding sa mga fans abroad pamamagitan ng zoom event kasama ang cast ng Nagbabagang Luha na sina Rayver Cruz, Claire Castro, Royce Cabrera at Mike Tan. from Ireland. Lalong nasorpresa si Glaiza dahil kasama rin ni David ang soon-to-be mother-in-law niyang si Susan Rainey.
Nagbigay pa ito ng message sa kanya na, “I just love to see you and David together and I know how much you love each other so comeback soon. We miss you!”
Sayang, kahit tapos na ang taping ng Nagbabagang Luha ay hindi rin pwedeng umalis si Glaiza dahil naka-ECQ na naman tayo, simula sa August 6.
***
APPROVED kay Kapuso actor Gabby Concepcion na si Rayver Cruz ang gumanap ng role niya bilang si Alex sa movie version ng Nagbabagang Luha na TV adaptation na ngayon sa GMA Afternoon Prime.
Kung si Gabby ay sina Lorna Tolentino at Alice Dixson ang dalawang babaeng minahal niya sa story, si Rayver ay tatlo naman, sina Glaiza de Castro, Claire Castro at Myrtle Sarrosa.
Nagbigay ng message si Gabby kay Rayver: “Do your own version. I know you’re gonna do good. Be a version of yourself to be that role. Get out of your comfort zone and love and embrace that role. And I’m sure you’ll have a great time doing this teleserye.”
Nabiro tuloy si Rayver kung ladies’ man ba siya in real life, tulad ng character ni Alex sa serye?
“Hindi po, good boy ako at stick to one lang. Ayoko po ng paiba-iba ng girlfriend.”
Work daw muna siya at mag-ipon, kaya thankful siya sa mga blessings na ibinibigay sa kanya ng GMA Network, simula raw nang lumipat siya rito, nagsunud-sunod na ang mga projects niya.
Pangatlo na niyang teleserye ang Nagbabagang Luha at sa ngayon ay may regular show siya every Sunday, ang All-Out Sundays at very soon ay magbabalik siya muli bilang isa sa mga hosts ng The Clash, Season 4, third time na silang magkasamang magho-host ng singing competition, ni Julie Anne San Jose.
***
SANDALI munang nagpahinga sa pagdidirek si Ms. Gina Alajar, at nag-artista muna sa Nagbabagang Luha.
“After kong dinirek ang afternoon drama series na ‘Prima Donnas,’ dumating ang offer na ito at sabi ko mag-artista naman ako,” sabi ng director-actress.
“Mas madali kasi dito, wala akong iisipin kundi ang sarili ko lamang, how will I look before the camera, mag-memorize ng lines, at since naka-lock-in taping kami, pagkatapos ko ng take, kung wala akong susunod na eksena, pwede na akong bumalik sa room ko at magpahinga.
“Happy rin ako na ang director namin ay si Ricky Davao, marami na kaming pinagsamahang proyekto kaya relaxed lang ako at thankful na muli ko siyang nakatrabaho, and it’s nice working with the whole cast.”
Very soon ay magsisimula na rin ng lock-in taping ng Book Two ng Prima Donnas si Direk Gina. Dapat ay magsisimula na ang lock-in taping nila ngayong August hanggang November, pero sa paglalagay ng NCR sa ECQ, naghihintay pa sila sa desisyon ng GMA Network.
Nag-world premiere na kahapon ang Nagbabagang Luha, kasunod nito ng Ang Dalawang Ikaw nina Ken Chan at Rita Daniela sa bago nilang time slot na 3:25PM.
(NORA V. CALDERON)
-
Kasama sina Patricia, Sherilyn at Manoy Wilbert: GELLI, sobrang grateful na host ng programang marami ang matutulungan
SA newest public service program na “Si Manoy ang Ninong Ko”, ma-inspire sa mga kuwento ng pag-asa, katatagan, at modern day na ‘bayanihan’, simula na ngayong Linggo, ika-3 ng Marso sa GMA-7. Magsisilbing hosts sina Gelli de Belen, Patricia Tumulak, Sherilyn Reyes-Tan at si Manoy mismo, ang dating businessman at ngayon ay public servant, Agri […]
-
Ads April 18, 2023
-
Pinas, China tinintahan ang 14 bilateral deals habang nasa state visit si PBBM
TININTAHAN ng Pilipinas at Tsina ang 14 na bilateral agreements, araw ng Miyerkules habang nasa state visit pa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa China. Kabilang sa nasabing kasunduan ang agrikultura, imprastraktura, development cooperation, maritime security, turismo at iba pa. Nilagdaan kapwa ng Pilipinas at Tsina ang joint action plan […]