Razon sinagot ang COVID-19 vaccines ng mga Olympic-bound athletes at coaches
- Published on February 12, 2021
- by @peoplesbalita
Hindi na dapat mag-alala ang mga national athletes at coaches na sasalang sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.
Sasagutin ni businessman Enrique Razon ang pagbibigay sa mga national athletes at coaches ng vaccines para sa coronavirus disease (COVID-19) sa kanilang pagpunta sa nasabing quadrennial event sa Hulyo.
“We would like to thank Mr. Enrique Razon for providing our Olympics-bound athletes with vaccines,” ani Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino kahapon.
Ang paparating na Moderna vaccine ay nagkakahalaga ng $26 ( P1,250).
Tanging sina pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Yulo at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno ang mayroon pa lamang Olympic berth.
Hindi kasama ang mga elite athletes sa prayoridad ng gobyerno na bigyan ng COVID-19 vaccines dahil hindi sila itinuturing na frontliners.
“I’m sure that with the generosity of Mr. Razon, especially in these difficult times, would further spur our athletes to focus on the Olympics without fear of getting infected,” sabi ni Tolentino sa chairman ng International Container Terminal Services Inc.
Naniniwala rin ang POC chief na matutuloy ang 2021 Tokyo Olympics bagama’t may pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa Japan.
-
Kiefer gigiya sa Gilas sa tune-up
PAMUMUNUAN ni Kiefer Ravena ang Gilas Pilipinas na sasabak laban sa South Korea sa exhibition games na idaraos sa Hunyo 17 at 18 sa Anyang Gymnasium sa Gyeonggi-do, South Korea. Kasama si Ravena sa 12-man lineup na inilabas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para sa friendly matches na magsisilbing preparasyon para sa […]
-
TATLONG DAYUHANG PUGANTE, INARESTO NG BI
INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong dayuhang pugante na wanted sa kanilang mga bansa. Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente na ang tatlong dayuhan, isang Amerikano, Taiwanese at isang South Korean ay inaresto sa magkakahiwalay na opeasyon ng mga operatiba ng BI’s fugitive search unit (FSU) sa Metro Manila at Pangasinan. […]
-
FOR FANS BY FANS: LIFELONG “TEENAGE MUTANT NINJA TURTLES” FANS SETH ROGEN AND DIRECTOR JEFF ROWE TALK ABOUT THEIR VISION FOR “MUTANT MAYHEM”
Teenage Mutant Ninja Turtles made a big impression on Seth Rogen at a very early age. “The animated series came out in 1987, when I was five. The first movie came out in 1990, when I was eight,” he says. “It was perfectly geared toward someone my age and I loved it. They were funny. They […]