RECORD BREAKING UNEMPLOYMENT SA PILIPINAS
- Published on June 10, 2020
- by @peoplesbalita
Umakyat sa nakalululang 17.7% ang unemployment rate sa bansa o katumbas ng 7.3 milyong indibidwal na walang trabaho mula sa dating 2.3 milyon pagtatapos ng taong 2019. Ito ang bagong pinakamatas na rekord matapos ang 1998 economic recession sa Pilipinas kung saan umabot sa 10.3% ang kawalan ng hanapbuhay.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, matapos tumama ang Corona Virus Disease-2019 sa bansa at sa mahigit 200 pang lugar sa mundo, inasahan na diumano ang mataas na bilang na ito.
Pinakaapektadong sektor ang mga manggagawa sa transportasyon, construction industry, turismo, private education, entertainment, arts and culture, fashion and beauty, health and wellness, services sector, electronics at maging ang ating Overseas Filipino Workers.
Sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon area, tanging mga manggagawa lamang sa manufacturing na may kinalaman sa pagkain, gamot, at ilang essentials ang pinayagang makapasok sa trabaho,limitadong bilang sa ospital, tanggapan ng pamahalaan at food and beverage.
Ang tinatawag na digital economy lamang ang buhay na buhay na industriya.
Bumagsak naman sa 55.6% ang labor force participation rate mula sa 61.5% noong December 2019.
Ang mataas na bilang ng mga walang trabaho ay sanhi ng pagsasara ng ekonomiya ng bansa dahl sa panganib na dala ng COVID-19 sa kalusugan..
Sa plano ng Department of Education na internet-based education, kakailanganin ang mga Teacher Assistant na puwedeng makatulong sa mga guro na mag-monitor ng mga estudyante sa bawat barangay linggo-linggo.
Kilala naman tayong mga Filipino na matatag at matibay kaya naman mabilis tayong makababangon mula sa pandemyang ito
-
Tuloy ang salpukan nila ni Mayor Honey sa Maynila: ISKO, malabo na mag-back out dahil sa taas ng rating
MAINIT na pinag-usapan pa rin ngayon sa Maynila ay ang parating na local elections. Umaasa pa rin daw ang kampo ng incumbent Mayor Honey Lacuna na mag-back out ang dating mayor na si Isko Moreno at ikunsider na lang na tumakbong senador. Pero kung pagbabasehan ang inilabas na […]
-
Pinay tennis player Alex Eala wagi sa unang sabak sa Wimbledon
Naging matagumpay ang unang pagsabak sa Wimbledon ni Filipino tennis ace na si Alex Eala sa girls’ singles first round match. Tinalo kasi ng 16-anyos na si Eala ang 17-anyos na si Solana Sierra ng Argentina sa score 6-2, 6-4. Sa unang round ay hawak na ng number 2 seed at […]
-
Ads September 24, 2020