RECORD BREAKING UNEMPLOYMENT SA PILIPINAS
- Published on June 10, 2020
- by @peoplesbalita
Umakyat sa nakalululang 17.7% ang unemployment rate sa bansa o katumbas ng 7.3 milyong indibidwal na walang trabaho mula sa dating 2.3 milyon pagtatapos ng taong 2019. Ito ang bagong pinakamatas na rekord matapos ang 1998 economic recession sa Pilipinas kung saan umabot sa 10.3% ang kawalan ng hanapbuhay.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, matapos tumama ang Corona Virus Disease-2019 sa bansa at sa mahigit 200 pang lugar sa mundo, inasahan na diumano ang mataas na bilang na ito.
Pinakaapektadong sektor ang mga manggagawa sa transportasyon, construction industry, turismo, private education, entertainment, arts and culture, fashion and beauty, health and wellness, services sector, electronics at maging ang ating Overseas Filipino Workers.
Sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon area, tanging mga manggagawa lamang sa manufacturing na may kinalaman sa pagkain, gamot, at ilang essentials ang pinayagang makapasok sa trabaho,limitadong bilang sa ospital, tanggapan ng pamahalaan at food and beverage.
Ang tinatawag na digital economy lamang ang buhay na buhay na industriya.
Bumagsak naman sa 55.6% ang labor force participation rate mula sa 61.5% noong December 2019.
Ang mataas na bilang ng mga walang trabaho ay sanhi ng pagsasara ng ekonomiya ng bansa dahl sa panganib na dala ng COVID-19 sa kalusugan..
Sa plano ng Department of Education na internet-based education, kakailanganin ang mga Teacher Assistant na puwedeng makatulong sa mga guro na mag-monitor ng mga estudyante sa bawat barangay linggo-linggo.
Kilala naman tayong mga Filipino na matatag at matibay kaya naman mabilis tayong makababangon mula sa pandemyang ito
-
OLYMPIC SPORTS, TARGET SA BAGETS
KUNG si Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch”Ramirez ang tatanungin, nais niya na makitang nakatuon ang pansin ng mga kabataang atleta sa mga sports na nilalaro sa Olimpiyada. Nais ng PSC chief na ilagay sa 20 Olympics sports ang mga laro ng Philippine National Games (PNG) at ng Batang Pinoy, kung saan aniya, […]
-
Malakanyang, pinamamadali sa NTC ang pagsusumite ng evaluation report
IPINAG-UTOS ng Malakanyang sa National Telecommunications Commission (NTC) ang mabilisang pagsusumite ng evaluation report ukol sa mga ginagawa umanong pagsasaayos at pagpapalakas ng signal ng mga network company sa bansa. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa ring nakaantabay ang kanyang opisina sa official evaluation na ito mula sa […]
-
MC Taxi expansion, tigil na – LTFRB
ITINIGIL na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Motorcycle Taxi expansion o ang pagpaparami pa ng bilang ng mga Motorcycle taxi na magsasakay ng mga pasahero. Sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz, head ng Technical Working Group para sa pilot study ng MC Taxi service sa bansa, magsusumite na ang […]