Record high na pondo sa 2023 ni presumptive Pres. Marcos, papalo sa P5.268-T – DBM
- Published on May 27, 2022
- by @peoplesbalita
PAPALO raw sa P5.268 trillion ang full-year budget ng papasok na administrasyon si Presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa 2023.
Inanunsiyo ni Department of Budget and Management (DBM) officer-in-charge Tina Rose Marie Canda ang panukalang national budget sa isang virtual press briefing.
Kasunod na rin ito ng 181st meeting ng inter-agency Development Budget Coordination Committee (DBCC) na kinabibilangan ng mga economic managers ng bansa.
Ang panukalang budget ay katumbas ng 22.1 percent na gross domestic product ng bansa ayon kay Canda.
Ang budget ceiling na aprubado ng economic managers ay mas mataas kumpara sa P5.242-trillion na inaprubahan ng mga economic team noong December 2021.
Ang DBCC ay kinabibilangan ng mga kalihim ng Socioeconomic Planning, Finance (DOF), Budget and Management (DBM) maging ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ayon kay Canda, ang economic team, ang desisyon ng mga economic managers na magkaroon gP5.268-trillion cap para sa 2023 national budget ay dahil na rin sa mas mataas na projected revenue collections sa susunod na taon.
Samantala, base na rin sa pagtaya ng mga economic managers ang disbursements sa susunod na taon ay posibleng papalo sa P5.086 trillion o katumbas ng 21.3 percent ng GDP.
Nanatili naman ang target ng DBCC na fiscal deficit sa 6.1 percent ng ekonomiya sa 2023.
Noong Lunes, sinabi ni Marcos na tinitignan ang national budget para s 2023 na puwedeng kuhanan ng pondo para sa economic stimulus measure dahil pa rin sa nararanasang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. (Daris Jose)
-
NVOC, pangangasiwaan ni Health Usec Maria Rosario Vergeire pagpasok ng susunod na administrasyon
SI Health Usec. Maria Rosario Vergeire ang mangangasiwa sa National Vaccination Operations Center (NVOC) sa pagpasok ng administrasyong Marcos. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni NVOC chairperson Usec. Myrna Cabotaje na walang dapat ipag -alala ang publiko dahil nasa mabuting kamay sila sa usapin ng vaccination campaign ng pamahalaan. Ayon […]
-
Ads April 21, 2021
-
Ads October 28, 2023