• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Red alert sa suplay ng kuryente, nagbabadya

INAASAHAN ng Department of Energy (DOE) na mailalagay ang Luzon Grid sa ‘Yellow Alert Status’ ng 15 beses habang nagbabadya rin ang pagdedeklara ng ‘red alert’ ngayong taon.

 

 

Ayon sa DOE, inaasahan ang yellow alerts ngayong buwan ng Mayo, ilang linggo sa Hunyo, Agosto, ­Setyembre, Oktubre at sa Nobyembre.

 

 

Nangangahulugan ang yellow alert na mayroon na lamang manipis na reserba ang power grids.

 

 

Sinabi ni Energy Undersecretary Rowena Cristina Guevarra, na ang pinakahuling projection nila ay base sa ‘worst-case scenario’ at kasalukuyang problema sa transmisyon.

 

 

“The delays, unfortunate ano, sana ‘yung delay hanggang before summer sana, but then it extended all after summer pa matatapos, that’s why we have this situation,” saad ni Guevarra.

 

 

Posible namang magkaroon ng red alert kung mauulit ang power tripping tulad ng naganap nitong nakaraang Lunes.

 

 

Nangangahulugan naman ang ‘red alert status’ na may ‘zero ancillary service’ at matinding kakulangan sa ‘power generation’. Nagdulot ito ng ‘rotational brownouts’ sa Metro Manila nitong nakaraang Lunes.

 

 

Ito ay dahil sa limang planta ng enerhiya ang nagpatupad ng puwersahang ‘outages’ habang tatlo pa ang mababa ang kapasidad dahil sa ‘tripping’ na naganap sa Bolo-Masinloc transmission line.

 

 

Naghihintay pa ang DOE ng opisyal na paliwanag, pero sa inisyal na impormasyon, naganap ang tripping dahil sa mabigat na ulan at kidlat na tumama sa transmission line.

Other News
  • Arnell Ignacio itinalaga bilang OWWA chief

    ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kilalang TV personality na si Arnaldo Arevalo “Arnell” Ignacio bilang pinuno ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).     “We confirm the appointment of Mr. Ignacio as Executive Director Admin. V of the Overseas Workers Welfare Administration,” ani Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.     Hindi pa naglalabas ang […]

  • GET YOUR TICKETS TO “WONKA” NOW! PLUS, CHECK OUT A GUIDE TO THE SWEET TREATS IN THE MOVIE

    GET ready to enter a world of pure imagination – “Wonka” movie tickets are now available! Book your tickets now at https://www.wonka.com.ph/.        “Wonka,” starring Timothée Chalamet as the beloved chocolate maker, will be shown in IMAX as well. The movie, directed by Paul King and also starring Hugh Grant, Rowan Atkinson, Olivia Colman, […]

  • Russia, kumpiyansa na maaaprubahan na ang COVID-19 vaccine sa Agosto

    Desidido ang Russia sa magiging kauna-unahang bansa sa buong mundo na magkakaroon ng bakuna laban sa coronavirus.   Target kasi ng gobyerno ng Russia na aprubahan na sa kalagitnaan ng Agosto ang bakuna na gawa ng Moscow-based Gamaleya Institute.   Aaprubahan na ito sa public use kung saan ang unang mabibigyan ay ang mga frontline […]