• March 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RED TAGGING, DEEPFAKE AT ILLEGAL CAMPAIGNING, IIMBESTIGAHAN NG COMELEC

IIMBESTIGAHAN  ng Commission on Elections ang mga napaulat na red tagging, paggamit ng deepfake at illegal campaigning.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, susuriin ng Komisyon ang report ng Kontra Daya at Vote Report Philippines at ikukumpara ang naturang ulat sa record ng Comelec.

Tiniyak ni Garcia na mananagot ang lahat nang lumabag sa panuntunan o campaign rules.

Kaisa rin aniya ang Comelec ang mga advocacy group ang Comelec sa paglaban sa lahat ng discriminatory acts and utterances sa panahon ng election.

Sa report ng Vote Report Philippines, nakakalap ng  red-tagging at  illegal campaigning gamit ang deepfakes sa pagpapakalat ng making impormasyon, tinukoy ang mga biktima ng red-tagging ang mga progressive senatorial at partylist candidates.

Samantala ngayong araw,  ang Comelec sa pangunguna ni Chairman Garcia kasama ang mga Commissioner, Chief PNP General Rommel Francisco Marbil ay magsasagawa ng candidates’ forum at signing ng peace covenant sa 6th Infantry (Kampilan) Division ng Philippine Army, sa Camp BGEN Gonzalo H Siongco, Awang Datu Odin Sinuat, Maguindanao del Norte.

Sasaksihan ang aktibidad ng mga election watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) at Legal Network for Truthful Elections (LENTE). (Gene Adsuara)

 

Other News
  • PhilHealth may bagong spokesperson

    MAYROON nang bagong tagapagsalita ang Phi­lippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).     Sa abiso ng PhilHealth kahapon, nabatid na ito’y sa katauhan ni Dr. Israel Francis A. Pargas na siyang Senior Vice President ng Health Finance Policy Sector.     “Please be informed that effective immediately, PhilHealth’s new spokesperson is Dr. Israel Francis “Doc Ish” […]

  • Shakur Stevenson, dinomina ang laban kay Oscar Valdez para ma-unify ang super featherweight titles

    HAWAK na ngayon ng American Olympian Shakur Stevenson ang The RING, WBO at WBC world super featherweight titles.     Kasunod na rin ito ng kanyang panalo sa pamamagitan ng 12-round boxing clinic laban sa undefeated boxer na si Oscar Valdez.     Ginanap ang laban sa MGM Grand sa Las Vegas, USA.     […]

  • Pinakita ang latest photo na nagti-therapy: KRIS, sobrang sakit ang nararamdaman ‘pag sinusumpong

    NAGING usap-usapan ang pag-aresto ng mga pulis ng Pasig City sa dating Kapamilya aktor na si John Wayne Sace.   Si John Wayne ay ang itinurong suspek sa pamamaril daw ng kanyang kaibigang si Lynell Eugenio.   Si Lynell na 43-anyos, residente ng Barangay Sagad, Pasig City, ay binaril 7:30 ng gabi nitong Lunes, Oktubre […]