• June 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

REGINE, nakikiusap na wag ikalat ang nag-leak na materials ng ‘Freedom’ concert

NAKIKIUSAP si Regine Velasquez-Alcasid na wag ikalat ang nag-leak na materials para sa kanyang first digital concert na Freedom sa magaganap sa Valentine’s day.

 

Tweet ni Regine last January 22, Hi guys pakiusap lang may nag leak na materials from the concert please pa delete naman.

 

“Please wag nyo na I repost.”

 

Sold out na ang P2500 kaya nagdagdag pa ng additional 100 slots para sa VIP tickets dahil marami pang gustong mag-avail na bukod sa concert ay makasama sa Zoom after party, virtual meet and greet, behind the scene at ang request portion with Regine.

 

Para naman sa concert lang ang gusto P1200 ang ticket nito at streaming worldwide, kaya mas marami ang makakapanood.

 

Samantala, marami pa rin ang nagne-nega kaya may na-comment naman ang netizens sa fashionpulis.com sa post na ito ni Asia’s Songbird at may nagtanggol din naman:

 

“Wow pampaingay. As if May interested pa lol.

“Ang bitter mo naman. Stop being so nega.

“Same old biritan na naman to siguro.

“Kapagod sa tenga. Sakit sa ulo. Puro sigaw.

“Filipinos… Masyadong nasanay sa free.

“Kahit libre pa yan wala ng interesado

“What concert? R2K? Chareng.

“Takot syang Luge concert nya..nakikiusap si madam..lol

“Syempre naman, patok kase siya ang Asia Songbird. Sikat siya buong Asia sobra expensive kase ticket concert ni Regine eh may pandemic kaya yung other’s nagpirate siguro.

“Bakit kilala ba siya sa India, Myanmar, Thailand Korea, Japan etc.

“Di na maibabalik ang dati.

“yung mga nega comments dito for sure mga di pa yan nakanuod ng live concert ni Regine and wala din pambili ng ticket for the upcoming one hahha. ugali ng mga pinoy yan eh…

“Kahit ipirate walang manonood busy mga tao.”

Samantala, kahapon napanood na ang ASAP Natin ‘To sa TV5 kapalit ng timeslot na Sunday Noontime Live.

 

***

 

SPEAKING of ASAP Natin ‘To, ka-join na rin ang newest Kapamilya na si Janine Gutierrez bilang host.

 

Winelcome na nga si Janine sa show, at abangan na lang kung ano pang projects ang ibibigay sa kanya ng ABS-CBN.

 

Comment naman ng netizens, “May mapaglagyan na lang talaga eh. Lol. Ang dami na nila dun pero dahil kailangan bigyan ng show ang bagong lipat eh isiningit na lang.”

“Na sinagot naman ng, “Lahat ng sikat dumaan sa ASAP ano ba inaarte niyo? Eh yung sa kabila nakailang palit na ng noontime show, or meron pa ba now, sila Kyla, Ogie, Janno, Jaya, Regine, Lani pa din ang tanda ng tao.”

“so nasaan na pala ngayon sila kyla, ogie, jaya, regine? Di ba nasa asap? Nasaan na yung mga sinasabi mong sikat sa ASAP?”

 

May nagtanong kung ano raw kaya ang ibibigay ng title kay Janine. At may nag-suggest na bagay daw ang ‘Social Relevance Princess’ dahil nga sa pagiging vocal at comments niya sa mga issues.

 

Oh well, abangan na lang natin! (ROHN ROMULO)

Other News
  • ’Ibigay ang buong suporta kay incoming PNP chief Lt.Gen. Carlos’

    Nanawagan si outgoing PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa lahat ng miyembro ng PNP na magkaisa sa likod ng magiging susunod na PNP Chief na si Lt.Gen. Dionardo Carlos.     Ayon kay Eleazar, taglay ni Carlos ang lahat ng qualification para sa pinaka mataas na posisyon sa PNP at nakita ng Pangulo sa kaniya […]

  • Ads January 5, 2024

  • GARY, first time voter pa lang sa May 2022 national election dahil dating American citizen

    FIRST time voter si Mr. Pure Energy Gary Valenciano this coming May 9 elections.     May mga nabasa kaming comment asking kung bakit ngayon lang boboto si Gary.     So we asked his wife Angeli P. Valenciano why is he voting only now?     Ito ang sagot niya, “It was because he […]