• November 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rehabilitasyon ng Lagusnilad, tapos na

smart

MATAPOS ang anim na buwan na rehabili­tasyon, binuksan na rin ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang Lagusnilad kahapon araw ng Martes.

 

 

Isang maigsing programa ang isasagawa ng lokal na pamahalaan dakong alas-8:30 ng umaga na dadaluhan din ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nakatuwang sa pagsasaayos sa naturang kalsada.

 

 

Matatandaan na isinara sa trapiko ang Lagusnilad noong Mayo 2 para sa rehabilitasyon dahil sa malalalim na lubak na nagdudulot ng maraming aksidente.

 

 

Unang sinabi ng lokal na pamahalaan na aakuin nila ang gastos sa rehabilitasyon kahit na nasa hurisdiksyon ito ng DPWH. Naglabas ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng P50 milyong pondo at P25 milyon naman ang DPWH para magkatuwang na isaayos ang Lagusnilad.

 

 

Inaasahan na makakatulong sa mabigat na trapiko ang pagbubukas ng kalsada ngayong papasok ang panahon ng Kapaskuhan, ayon pa sa lokal na pamahalaan. (Gene Adsuara)

Other News
  • DILG, maaaring i-realign ang pondo para ma-cover ang re-employment ng contact tracers – Avisado

    MAAARING i-realign ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pondo nito para ma-cover ang re-employment ng contact tracers (CTs).   Ito ang inihayag ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendel Avisado bilang pagbibigay katiyakan matapos na sabihin ng DILG noong Enero 16 na maaari lamang silang makapag-rehire ng 15,000 CTs […]

  • Ads September 15, 2023

  • Nakitang kayang makipagsabayan sa ibang coaches: STELL, revelation kaya hanga ang starmaker at director na si Mr. M

    “TROPANG Magaling” pala ang tawag ni Mr. M (Johnny Manahan), starmaker and director ng “The Voice Generations” sa mga coaches na sina Chito Miranda, Billy Crawford, Julie Anne San Jose, at si Stell Ajero ng SB 19.      Inamin ni Mr. M. na nakatrabaho na niya sina Chito, Billy at Julie Anne, pero ang […]