Reinforcement Teams, tumutulong na sa typhoon-hit Bicol- OCD
- Published on October 25, 2024
- by @peoplesbalita
NAGPADALA na ang Office of Civil Defense (OCD) ng mas maraming reinforcement teams para tumulong sa rescue operations sa mga lugar na apektado ng Severe Tropical Storm ‘Kristine’.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni OCD spokesperson Director Edgar Posadas na nanatiling prayoridad ang nagpapatuloy na rescue efforts sa Bicol.
“Ang challenge pa rin nila doon ay the floodings which are really mataas pa,” aniya pa rin.
“There are enough resources pero, yun nga, sa taas ng baha—these are in Naga and several municipalities in Camarines Sur such as Presentacion, Bula, and the other towns nearby,” ang sinabi pa ni Posadas.
Aniya pa, ang teams at equipment mula sa Southern Luzon Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay dineploy para dagdag an at isama sa operasyon ng local government units.
“As we speak mayroong padating na mga reinforcement from the Southern Luzon Command, both personnel and equipment and, at the same time, magpapadala din ng tulong doon kasi we practice at OCD ‘yung pagtulong po ng mga less affected na mga regions to assist nearby regions,” ayon kay Posadas.
Tinuran pa nito na ang reinforcement teams mula sa Eastern Visayas ay tutulong din sa Bicol.
Ani Posadas, ipinadala na ang tulong sa mga bayan ng Polangui at Libon sa Albay.
“Medyo mayroon pa tayong challenge doon sa ibang mga malalayong mga barangays and lugar,” ang winika ni Posadas.
“But we are getting there with the augmentation ng SolCom and the region 8 contingent, I’m sure malaking tulong ‘yun.”dagdag na pahayag nito.
Nauna rito, may 10 katao na ang iniulat na nasawi, dalawa ang sugatan habang siya naman ang nawawala, ayon sa OCD.
May 19 naman na LGUs naman ang nagdeklara ng state of calamity. (Daris Jose)
-
Kaya hindi mahirap idirek sa ‘Pulang Araw’: DENNIS, tutok sa character kaya nakagugulat ang pag-atake
HINDI na raw nahirapan ang GMA resident director na si Dominic Zapata sa pagdirek kay Dennis Trillo sa teleserye na ‘Pulang Araw’ kunsaan gumaganap ang aktor bilang mabagsik na opisyal ng Japanese Imperial Army. Kilala raw niya si Dennis at ang method nito kapag may role ito na nakaka-challenge sa pagiging aktor […]
-
IT’S HERE. WARNER BROS. RELEASES TRAILER FOR THE MUSICAL DRAMA “THE COLOR PURPLE”
THE 1985 film of Steven Spielberg. The Color Purple drove fans to tears of heartbreak, anger, and victory. The film, which was nominated for eleven Academy Awards, portrayed the adversity and triumph of Celie Harris, played by Whoopi Goldberg, and other black women in the south in the early 1900s. It’s […]
-
Pinakamahusay umarte sa magkakapatid: BRYAN, wala pang balak mag-asawa kahit may longtime girlfriend
NAGKAROON na ng pagkakataon na sagutin ng Limitless Star na si Julie Anne San Jose ang isyung diumano’y ini-unfollow siya ng ex-girlfriend ni Rayver Cruz na si Janine Gutierrez sa Instagram. Base sa sagot ni Julie, makukumpirma na may pag-unfollow nga na naganap. At ito ay sa part ni Janine. Sinubukan kasi naming i-check ang […]