• April 11, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

REKLAMO NI PANGILINAN, IIMBESTIGAHAN NG NBI

IPINAG-UTOS ng Department of Justice (DOJ) sa   National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang reklamo na inihain ni Sen. Francis “Kiko” N. Pangilinan laban sa dalawang YouTube channels sa umano’y pag-atake at pekeng ulat na pinost laban sa kanya at sa kanyang pamilya.

 

 

Ang  imbestigasyon ay kinumpirma  ni  State Counsel Angela Maria De Gracia ng DOJ’s Office of Cybercrime (DOJ-OOC).

 

 

Sa reklamo ng senador, tinukoy nito ang YouTube channels bilang  “Starlet” at “Latest Chika.”

 

 

Inakusahan ng senador ang dalawang channels ng paglabag sa Section 4(c)(4) ng  Republic Act No. 10175, ang Cybercrime Prevention Act of 2012, na may kaugnayan sa  Article 355 ng  Revised Penal Code.

 

 

Tinukoy din ni Pangilinan na respondent ay si Google  Philippines country manager Bernadette Nacario dahil sa paglabag sa  Section 20(b)(1) at Section 30(j) ng  RA 10175.

 

 

“Due to said public and malicious imputations, I suffered and continue to suffer damage to my good name, reputation, and career as a public servant. The public and malicious imputations have also caused serious anxiety and stress to me and my family,” ayon sa affidavit ni Pangilinan

 

 

Sinabi ni Pangilinan na gagamitin nito bilang ebidensya ang nakolektang datos at itutuloy ang legal na aksyon laban sa mga ito sa sandaling matukoy ang nasa likod ng naturang mga YouTube channels.

 

 

Ipinunto rin nito  na may responsibilidad  ang YouTube na pag-aari ng Google at Nacario na tignan ang operasyon ng buong kumpanya.

 

 

Nakasaad pa sa kanyang affidavit, na kabuuang 82 videos  ang iniulat mapanirang-puri laban kay Pangilinan at kanyang pamilya tulad ng pangangalunya ni Sharon-Cuneta Pangilinan  sa pamamagitan ng pakikipagrelasyon sa ibang lalaki  at gumawa ng karahasan si Pangilinan (physical assault) laban sa kanyang asawa na paglabag sa  Violence Against Women and Children Act. GENE ADSUARA

Other News
  • Balitang muli silang magtatambal ni Robin: SHARON, gustong kasama si KC ‘pag natuloy ang U.S. tour nila ni GABBY

    BALITANG may balak ang Viva Films na gawan ng sequel ang pelikulang “Maging Sino Ka Man” na pinagtambalan noon nina Sharon Cuneta at Robin Padilla.      Ayon kay Sharon, kinausap daw siya ni Boss Vic del Rosario na balak nilang gawin ang sequel nito.  Hindi pa raw naman ito confirmed pero isa raw ito […]

  • New York at Massachusetts tatanggalin na ang mandatory na pagsusuot ng mga face mask

    INANUNSIYO ng gobernador ng New York at Massachusetts na kanila ng tatanggalin ang pagsusuot ng face mask.     Sinabi ni New York Gov. Kathy Hochul na maari lamang tanggalin ang pagsusuot ng face mask kapag ang indibidwal ay naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19.     Bumaba na rin aniya ang kaso ng […]

  • ‘Di na makakasama si Ruru dahil sa ‘Black Rider’: Grupo nina MIKAEL, babalik sa South Korea para sa ‘Running Man PH 2’

    LILIPAD na sa isang linggo ang cast ng ‘Running Man Philippines 2’ patungong South Korea.     Si Mikael Daez mismo ang nag-announce nito sa guesting nila sa ‘All-Out Sundays’ nito lamang Linggo.     Kasama ni Mikael sa season 2 ng naturang show sina Glaiza de Castro, Buboy Villar, Lexi Gonzales, Angel Guardian at […]