• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rekomendasyon ng DoH, inaprubahan ng IATF

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Forec (IATF) ang mga rekomendasyon ng Department of Health (DoH) na palakasin ang pagpapatupad sa minimum public health protocols sa mga indibidwal gaya ng patuloy na paggamit ng face mask, faceshield, hugas at iwas.

 

Kinakailangan din ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque na ipagpatuloy ang pagbibigay ng tamang impormasyon ukol sa Covid 19.

 

Para naman sa mga establisimyento, ang pagpapatupad ng mga risk mitigation, strategies, engineering controls, ventilation at contact tracing at  pag-measure sa compliance at sa pag establish ng baseline.

 

Sa mga Local Government Units (LGUs) naman ayon kay Sec. Roque ay kinakailangan aniya na ipatupad ang Covid-19 Coordinated Operations to Defeat Epidemic or CODE sa pamamagitan ng pinalakas na mobilisasyon ng barangay health emergency response team.

 

“Kasama nga po dito ang paghahanap at pagtiyak ng lahat ng suspected cases na isasailam po sa RT-PCR, yung tracing at pag quarantine ng lahat ng close contact sa loob na susunod na 24 oras, yung testing ng close contacts na nagakroon ng sintomas gamit ang RT-PCR at ang pagsisimula ng contact tracing maging sa mga suspect cases,” ayon kay Sec. Roque.

 

Kasama rin sa CODE ang pagmomonitor sa mga workplaces at iba pang closed settings tungkol sa kanilang case data at pagsunod sa minimum public health standards.

 

Idagdag pa ang pagtiyak na tamang handover sa LGUs ng mga returning Overseas Filipinos at mga papasok na mga international travelers para masiguro ang pagsunod at makumpleto ang quarantine or isolation.

 

Inaprubahan din ani Sec.Roque ng IATF ang rekomendasyon na payagan ang Subig Bay Metropolitan Authority na muling tumanggap ng lahat na klase ng vessels para sa hot-warm layup bilang bahagi ng kanilang function na crew change hub.

 

At para magbigay linaw ay ipatutupad aniya ang StaySafe.ph.

 

“yan po ang pinagkaisahan desisyon ng IATF. Ipapatupad po natin ang StaySafe.ph na ang enduser na po ngayon ay DILG dahil sila naman po ay in-charge sa contact tracing,” ang pahayag ni Sec.Roque. (Daris Jose)

Other News
  • ’Ibigay ang buong suporta kay incoming PNP chief Lt.Gen. Carlos’

    Nanawagan si outgoing PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa lahat ng miyembro ng PNP na magkaisa sa likod ng magiging susunod na PNP Chief na si Lt.Gen. Dionardo Carlos.     Ayon kay Eleazar, taglay ni Carlos ang lahat ng qualification para sa pinaka mataas na posisyon sa PNP at nakita ng Pangulo sa kaniya […]

  • Ravena biglang sumikat sa Asya sa paglalaro sa Japan

    NAGING instant celebrity o agad nakilala si Filipino basketball star Thirdy Ravena ng fans mula sa Asya at iba pang bahagi ng mundo nang magsimula itong maglaro sa Japan Professional Basketball League.   Ayon sa ulat, ang debut game nito bilang Asian import sa San- En NeoPhoenix na naka- streamed online ay umabot sa halos […]

  • DIRECTOR SAYS “SMILE” A HORROR FILM THAT FEELS LIKE A PANIC ATTACK

    SOME horror movies aim to subtly spook audiences.      Others try to make viewers squirm in their seats. But filmmaker Parker Finn had a far more ambitious goal in mind when he set out to write and direct his debut feature, Smile. “I wanted to make a movie that felt like a sustained panic attack […]