Relasyong Duterte-Sara , ‘May tampuhan pero nagmamahalan’- Sec. Roque
- Published on November 17, 2021
- by @peoplesbalita
“May tampuhan, pero wala pong kaduda-duda, nagmamahalan ang mag-ama.”
Ito ang naging paglalarawan ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa relasyon ng mag-amang Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte matapos na hindi magustuhan ng Chief Executive ang pagtakbo ng kanyang anak bilang bise-presidente gayong nangunguna ito sa survey sa pagka-pangulo.
“Family ties will prevail,” dagdag na pahayag nito.
“‘Yung decision nila ang ayaw ko na tatakbo siya (Sara). I am sure ‘yung pagtakbo ni Sara ay desisyon nila Bongbong [Marcos] ‘yun,”ang pahayag ni Pangulong Duterte sa isang panayam sa blogger na si Byron Cristobal para sa “Banat By.”
Itinuloy ni Mayor Sara ang pagtakbo sa 2022 vice presidential run, habang nag-withdraw naman si Senador Bong Go ng kanyang certificate of candidacy (COC) at naghain ng panibagong COC para sa pagka-pangulo.
Si Mayor Sara ay tatakbo bilang bise-presidente sa ilalim ng Lakas-CMD.
Si Go sa kabilang dako ay tatayo naman bilang standard bearer ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS).
Sina Mayor Sara at Go ay kapuwa naghain ng kanilang kandidatura “for vice president and president” via substitution sa kani- kanilang party-mates. (Daris Jose)
-
Ads February 19, 2021
-
YASSI, umaming first time maka-experience kaya nagulat sa ‘butt exposure’ ni JC, makadurog-puso ang pagganap nila sa ‘More Than Blue’
AMINADO si Yassi Pressman na nagulat siya sa butt exposure ng leading man niya na si JC Santos sa More Than Blue na paparating na sa Vivamax ngayong November 19, 2021. Kuwento ni Yassi sa digital mediacon first time daw niyang maka-experience ng ganun sa co-actor kaya, “it’s quite shocking but JC was […]
-
Valenzuela City at Tanauan City, lumagda sa Sisterhood Agreement
UPANG higit pang palawigin at patatagin ang alyansa sa pagitan ng Valenzuela City at Tanauan City, pinangunahan nina Mayor WES Gatchalian at Mayor Nelson Collantes ang paglagda sa sisterhood agreement na ginanap sa Tanauan City Hall. Sa bisa ng Resolution No. 2610, Series of 2023, na ipinasa ng Valenzuela City Council at Resolution […]