• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rep. Tiangco suportado ang pagpasa ng ‘Ayuda’ Funds

SUPORTADO ni House Committee on Appropriations Vice Chair at Navotas Representative Toby Tiangco sa pag-apruba ng ‘ayuda’ funds sa panukalang 2025 budget.

 

 

 

 

“Nasa P253.3B ang allocation para sa iba’t ibang ayuda para sa mga kababayan nating nangangailangan. Napakahalaga na ito ay maipasa nang buo para siguradong walang maantala sa mga plano ni President Bongbong na palawakin ang mga tulong na maaaring matanggap mula sa gobyerno,” ani Tiangco.

 

 

“President Bongbong announced in his third SONA the expansion of DOH’s Cancer Assistance program and the proposal to allocate P1.205B for this initiative will greatly unburden Filipinos who suffer from this disease,” dagdag niya.

 

 

Pinuri rin ni Rep. Tiangco ang pagtaas ng panukalang budget allocation para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development.

 

 

Nauna nang inanunsyo ng Department of Budget and Management ang panukalang 4Ps budget na 7.4% na mas mataas kaysa noong nakaraang taon, kung saan ang panukalang 2025 na pondo ay nasa P114.1 bilyon.

 

 

Isinusulong din ng Navotas solon ang pagtaas ng iba pang assistance programs tulad ng fuel subsidy program ng Department of Agriculture para sa mga magsasaka at mangingisda dahil patuloy na nagbabago ang presyo ng mga produktong petrolyo.

 

 

Inihayag ng DBM na nagmumungkahi ito ng P35.1B at P4.4B na pagpopondo para sa DSWD’s Protective Services for Individuals and Families in Difficult Circumstances Program at Sustainable Livelihood Program, respectively.

 

 

Samantala, ang inilunsad kamakailan na Food Stamps Program ng ahensya ay may panukalang P1.9B alokasyon habang ang TUPAD ng Department of Labor and Employment ay nagmungkahi ng P14.1B na badyet.

 

 

“I appreciate the administration’s clear focus and commitment to expanding assistance programs that can provide both short-term relief and long-term support towards poverty alleviation. It is imperative that Congress throws its full support for these programs because they can directly benefit poor Filipinos, provide economic relief, and give them opportunities to uplift their lives and that of their families,” sabi ni Tiangco. (Richard Mesa)

Other News
  • Balitang nakaranas ng mild heart attack si Pangulong Duterte, fake news -PCOO

    FAKE NEWS ang sigaw ni Presidential Communications Operation Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa kumalat na balitang dumaan sa mild heart attack si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.   Sa post ni Sec. Andanar sa kanyang facebook account ay ipinakita nito ang isang screen shot ng nagpakilalang Maharlika.TV na nagsabing …. “Breaking News: Sources say Duterte […]

  • Mahigit 48K outbound passengers, naitala ng Philippine Coast Guard bago ang mismong araw ng Pasko

    MULING  nadagdagan ang bilang ng mga naitatalang pasaherong bumabyahe sa bansa isang araw bagong ang Pasko.     Sa datos ng Philippine Coast Guard, umabot na sa 48,636 ang bilang ng mga outbound passengers habang nasa 47,000 naman na mga inbound passengers ang kanilang naitala mula sa 331 vessels at 535 motor bancas sa lahat […]

  • MGA PASAHERO APEKTADO ng MALING IMPLEMENTASYON ng NCAP

    BAKIT tutol ang Lawyers and Commuters Safety and Protection (LCSP) sa maling implementasyon ng NCAP e hindi naman daw apektado mga pasahero ng public transport.   APEKTADO PO ANG MGA PASAHERO. UUBUSIN NG MALING IMPLEMENTASYON ANG PUBLIC TRANSPORT KAPAG HINDI ITO NAAYOS.   Bakit?   Hardest hit ng NCAP ang public transport. Kaya ang panawagan […]