Rescue ng Badjao, Aeta sa kalsada inumpisahan na ng DSWD
- Published on November 22, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI lang ngayong Pasko, kundi buong taon na tutulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga Badjao at Aeta para hindi na hihingi ng limos sa mga lansangan.
Simula noong Nobyembre 18, aabot na sa 100 Badjao mula Mindanao ang na-rescue ng ahensya sa Metro Manila pa lamang.
Ayon kay DSWD Sec. Erwin Tulfo, hindi lang basta papauwiin sa kanilang lugar ang mga Indigenous People (IP) na ito kundi bibigyan na sila ng pangkabuhayan.
“Dati-rati kasi bibigyan lang sila ng pagkain, bibilhan ng ticket ng barko, at bibigyan ng barya-barya at saka pauuwiin,” ani Tulfo.
Ayon kay Sec. Tulfo, “you do not solve their problem. Ang problema wala silang makain sa kanilang lugar dahil wala silang hanap buhay o pinagkakakitaan kaya pabalik-balik sila dito sa NCR o malalaking lungsod para magpalimos.”
Sampung libong piso bawat pamilya ng IPs na nare-rescue ngayon ang ibinibigay ng DSWD bilang puhunan nila pagdating sa kanilang lugar.
Bukod sa puhunan, binigyan din ng food pack, family at hygiene kits ang bawat pamilya.
“Ito ang isa sa mga pinatututukan ng Pangulong BBM na bigyan mg pangkabuhayan ang mga IPs para hindi na nagpapalimos pa sa kalsada,” ayon sa kalihim.
Ayon naman kay DSWD Standard Bureau Usec. Denise Bragas, na siyang nangangasiwa sa rescue operations ng IPs sa lansangan, isusunod na nila ang mga street children.
“In coordination po with the LGU, mga bata na palaboy ang isusunod naman na ng DSWD,” ayon kay Usec. Bragas.
Dagdag pa niya, “ang utos po sa amin ni Sec. Tulfo, kapag tatlong beses ng nare-rescue ang bata sa lansangan, hindi na po namin isosoli sa magulang nila bagkus gobyerno na po ang magpalaki at magpapa-aral sa kanila”. (Daris Jose)
-
3 arestado sa P119K shabu sa Valenzuela
MAHIGIT sa P.1 milyon halaga ng illegal na droga ang nasamsam ng mga awtoridad sa tatlong hinihinalang drug personalities sa buy bust operation at sa isang checkpoint sa Valenzuela city. Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, ang naarestong mga suspek na si Ricardo Carriedo, 45 ng 292 Canumay West at […]
-
882,861 katao naapektuhan ni Carina, habagat – NDRRMC
PUMALO na sa 183,464 pamilya o kabuuang 882,861 katao ang apektado ng pinagsamang southwest monsoon o habagat, bagyong Carina at dating tropical depression Butchoy. Ayon sa report nitong Miyerkules ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ariel Nepomuceno, ang mga apektadong pamilya ay mula sa 686 Barangays […]
-
Steph Curry kinilala bilang bahagi nang tinaguriang ‘elite club’
NAPABILANG na rin daw sa pambihirang elite players ng NBA ang Golden State Warriors MVP na si Stephen Curry matapos na masungkit ang panibagong korona sa NBA finals. Batay sa NBA history si Curry ang ikaanim umano na player sa kasaysayan na nanalo ng apat na titulo o championships at humakot ng prestihiyosong […]