• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RESIDENTE SA NAUJAN,ORIENTAL MINDORO, PINAPALIKAS NG DOH

PINAPALIKAS ng Department of Health (DOH) ang mga residente sa Naujan Oriental Mindoro at iba pang lugar na apektado ng oil spill.

 

 

Ito ang sinabi ni  Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire sa kanyang pagbisita nitong Linggo sa nasabing probinsya upang tignan ang sitwasyon ng mga apektadong residente matapos lumubog ang motor tanker (MT)  Princess Empress at nagdulot ng malawakang oil spill.

 

 

“Pinapaalalahanan ng Kagawaran ng Kalusugan ang mga mamamayan ng kung ang lugar ng oil spill ay malapit sa inyong tirahan, mas mainam kung tayo ay humanap ng pansamantalang matitirah ito ay hindi pa nakakalap ” ani Vergeire.

 

 

Kung ang mga apektadong residente ay hindi makakatakas, dapat nilang sundin ang mga kinakailangang pag-iingat, sabi ni Vergeire .

 

 

Pinayuhan din nito ang mga residente na huwag lumangoy sa baybayin na apektado ng langis at iwasang madikit sa sediment,buhangin ,lupa o mga bagay na kontaminado ng langis.

 

 

Paalala pa ni Vergeire na hindi maaaring gumamit ng tubig na kontaminado ng langis para sa pagkonsumo  ng mga tao o hayop .

 

 

Huwag ding kumain ng isda at iba pang pagkaing dagat na nahuli malapit sa oil spill.

 

 

Sa hiwalay na abiso, pinaalalahanan din ng DOH ang mga respo Dee’s ,volunteers at clean up workers na dapat magsuot ng  personal protective equipment (PPE) gaya ng  protective suits, safety glasses, at gloves sa panahon ng operasyon.

 

 

Dapat din aniyang linisin ang kanilang PPE pagkatapos gamitin. GENE ADSUARA

Other News
  • Captain Marvel Returns with New Super Hero Allies in Cinemas and IMAX on November 8

    BRACE yourselves as Marvel Studios serves up a thrilling treat. They’ve released exciting new sneak peeks of the much-anticipated The Marvels.     Plus, to double the excitement, brand-new posters have landed. But that’s not all; tickets for the epic adventure are now on sale!     The wait is over! You can now secure […]

  • SYLVIA, napagod at muntik nang sumuko dahil sa mga taong nanakit at nanglait; nawala ang pangamba dahil sa ‘Diyos’

    PINOST ni Sylvia Sanchez sa kanyang FB page ang red carpet event na magagangap ngayong hapon na hatid ng Star Magic.     Post niya, “It’s a red carpet day with your favorite Kapamilya stars this Friday at 3 PM.     “Witness this new notch on their careers as Arjo Atayde, Maymay Entrata, Edward […]

  • Tatlong cabinet secretaries, naka- quarantine rin ngayon

    TINATAYANG may tatlong cabinet secretary ang naka- quarantine ngayon.   Ito’y maliban kay Presidential Spokesperson Harry Roque na nagpositibo sa Covid -19.   Ang tatlong cabinet secretary ayon kay Sec. Roque ay sina  NTF Deputy Chief Implementer testing czar Sec. Vince Dizon. Si Dizon  ay nakahulubilo ni Sec. Roque dahil magkasama sila sa isang event […]