• April 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Residential area na dati ng nasunog, muling nilamon ng apoy

MAKARAAN na nasunog ng halos wala pang isang taon ang ilang kabahayan sa Barangay 310 sa Sta.Cruz, Maynila ngunit muli itong nilamon ng apoy Miyerkules ng gabi.

 

 

Nagsimula ang sunog alas 9:41 ng gabi at mabilis ang pag-akyat ng alarma na umabot sa 5th alarm sa loob lamang ng 30 minuto.

 

Dahil ito sa mga bahay na pawang mga gawa sa light materials at mga barong-barong.

 

Ang nasunog na residential area ay bakod lamang ang pagitan nito sa Manila City Jail.

 

Unang naitala ang sunog sa apat na palapag na bahay na pagmamay-ari ni Gerardo Bantay.

 

Ala-1:49 ng madaling araw ng ideklarang fire under control ang insidente at nasa halos 250 na bahay ang nadamay.

 

Dalawang sibilyan ang naitalang sugatan na isang senior citizen na nakaramas ng paso sa katawam at isang 25-anyos na nahirapan sa paghina na kapwa naman nasa maayos na kalagayan.

 

Tinatayang aabot sa P3,750,000 ang halaga ng pinsala ng nasabing sunog at nasa 500 pamilya o 1,500 na indibidwal ang apektado. GENE ADSUARA

Other News
  • P9.8 milyong droga naharang sa NAIA

    NAHARANG ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang limang papasok na parcel na naglalaman ng iba’t ibang mapanganib na droga, na misdeclared bilang meryenda, bote, damit, regalo at sleeping bag nitong Biyernes, sa Central Mail Exchange Center sa […]

  • Creamline diretso sa Finals

    MULING  humataw si op­po­site spiker Tots Carlos para buhatin ang Creamline sa 23-25, 25-19, 25-18, 25-15 pananaig sa Choco Mucho at angkinin ang finals berth ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kahapon sa Mall of Asia Arena.     Nakalikom ang dating Uni­versity of the Philippines standout ng 23 points kabilang ang 19 attacks […]

  • Ex-Senate Pres. Enrile, nanumpa na bilang chief presidential legal counsel

    OPISYAL nang nanumpa sa pwesto si Chief Presidential Legal Counsel (CPLC) Juan Ponce Enrile sa Malacañang ngayong araw.     Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang panunumpa ng dating Senate President.     Ayon sa pangulo, buo ang kanyang tiwala sa kakayahan at karanasan ng opisyal bilang lingkod-bayan.     Dahil dito, umaasa ang […]