• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Retiradong sundalo, 1 pa, huli sa pagbebenta ng shabu sa Valenzuela

DALAWANG hinihinalang sangkot sa illegal na droga, kabilang ang isang retiradong sundalo ang natimbog sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

 

 

Kinilala ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang naarestong mga suspek na sina Arnel Bataller alyas “Sundalo”, 46, retired Philippine Army at Joel Casuple alyas “Belok”, 42 ng Modesto St, Brgy. Mapulang Lupa.

 

 

Sa report ni SDEU investigator PCpl Pamela Joy Catalla kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong ala-1:45 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Madregalejo ng buy bust operation sa inuupahang bahay ni Bataller sa No. 3072 Apartment Building, Unit C2, JB Juan St. Brgy. Ugong.

 

 

Nagpanggap na buyer si PCpl Maverick Jake Perez kung saan nagawa nitong makipagtransaksyon sa mga suspek ng P500 halaga ng droga.

 

 

Matapos matanggap ang pre-arranged signal mula kay PCpl Perez na hudyat na nakabili na siya ng droga ay agad lumapit ang back-up na sina PCpl Isagani Manait at PCpl Robbie Vasquez saka inaresto ang mga suspek.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 12 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P81,600, buy-bust money, P750 cash, 2 cellphones at 2 coin purse.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • 16M bakuna, inaasahan ng Pilipinas na darating sa second quarter ng 2021

    INAASAHAN ng gobyerno ng Pillipinas na darating sa second quarter ng 2021 ang 16 milyong bakuna sa bansa.   Sinabi ni Vaccine “czar” Secretary Carlito Galvez Jr. na inaasahan ng pamahalaan ang 7,308,400 vaccine doses ngayong buwan ng May at 9,150,000 doses naman sa buwan ng Hunyo.   “So bago po matapos po ang buwan […]

  • Ads December 11, 2021

  • Q’final series, simula na! Ginebra, ayaw maging kampante vs Batang Pier

    Kahit malakas na ang Ginebra San Miguel, hindi pa rin kampante laban sa NorthPort sa pagsisimula ng quarterfinal series ng PBA Commissioner’s Cup nitong Miyerkules ng hapon.   Sa isang television interview, binanggit ni Gin Kings coach Tim Cone, kahit nasa ikaanim na puwesto ang Batang Pier, hindi pa rin nila ito minamaliit.   “They’re […]