Reunion concert nila ni Gabby, mega successful: SHARON, ‘di napigilang maging emosyonal at nag-sorry kay KC
- Published on October 30, 2023
- by @peoplesbalita
NASAKSIHAN namin ang mega successful na historical reunion concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na ginanap sa SM MOA Arena last Friday (Oct. 27), kung saan nagkaroon ng special participation ang kanilang only daugther na si KC Concepcion.
Si KC nga ang unang pinakita sa kanyang recorded spiel, na nagpakilala sa dating Prince and Princess of Philippine Movies.
Unang lumabas si Sharon at kinanta ang pamosong version niya ng ‘I Don’t Want You To Go’, kasabay ng pagpapakita ng clips mula sa pelikulang pinagsamahan nila.
Lalong nagsigawan ang kanilang supporters sa paglabas ni Gabby habang ‘Kumusta Ka’ (Nonoy Zuniga), na nauwi sa kanilang first duet. Kinanta din nila ang ‘Kumusta Ka’ ni Rey Valera.
Kasunod nito ay binalikan nila ang themesong ng ‘P.S. I Love You’, ‘My Only Love’ at ‘Dapat Ka Bang Mahalin?’
Pinasilip din nila ang footages ng wedding nila habang kinakanta ang ‘Don’t Ever Say Goodbye’. Kasunod ang pagkanta ni Sharon ang hugot song na ‘A Long, Long Time Ago’.
Sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid naman ang nag-interview kina Sharon at Gabby, na nagpakilig lalo sa mga fans.
Kinanta ni Gabby ang ‘Nandito Ako’ para Sharon na lumuhod pa, na napunta rin sa duet. Naki-join na rin sina Ogie at Regine sa bandang huli.
Mapanakit naman ang next duet nila na ‘One More Try’, na naitawid naman nila ng maayos.
Next segment ng concert ang pagkanta ni Sharon ng mga themesongs ng mga movies with other leading men kaya nag-exit na muna si Gabby.
Una na rito ang ‘Maging Sino Ka Man’ na sinundan ng ‘Kahit Konting Pagtingin’ kasama sina Ogie, Jeremy Glinoga at Erik Santos. Kasunod ang mga duet nila para ‘Pangako’, ‘Pangarap na Bituin’, Bituing Walang Ningning’ at ‘Sana’y Wala Nang Wakas’. Solo naman kinanta ni Sharon ang ‘Ngayon at Kailanman.”
Sumunod naman ang solo numbers ni Gabby, ang ‘Mula Sa Puso’, ‘Iisa Pa Lamang’ at sing and dance siya medley ng ‘Manila’ at ‘Awitin Mo at Isasayaw Ko’.
Pagbalik nina Sharon sa stage, kinanta naman ang ilang pang themesong ng movie nila ni Gabby, ‘Pati Ba Pintig ng Puso Ko?’, ‘Sa Hirap at Ginhawa’ at ‘Bakit Ikaw Pa Rin?’
Pagbalik ni Gabby, kinanta naman niya ang ‘Kung Kailangan Mo Ako’ na kanta niya kay Sharon na ibinirit talaga niya at feel na feel, ito ang ginamit na themesong ng movie nilang ‘Una Kang Naging Akin’.
Kasunod ang much awaited song na ‘Dear Heart’ na kung saan nakisabay sa pagkanta si Gabby.
Isa nga sa inabangan ng kanilang mga fans na dumagsa sa naturang concert, ang pakikipag-duet ni KC sa kaniyang mga magulang, at magkasama-sama silang tatlo sa isang stage.
Ikinuwento nga nina Sharon at Gabby, na bukod sa mga supporters nila at isa talaga si KC sa natuwa sa pagsasama nila pagkalipas ng ilang dekada.
Sinundo ni Gabby si KC na nasa harapan ng VVIP section, para mag-join sa kanila ni Sharon, matapos nilang mag-duet sa kantang ‘Dear Heart’.
Para sa amin ito talaga ang pinaka-highlight ng ‘Dear Heart: The Concert’, at sobrang nakaka-touch ang pag-aalay ni Sharon sa anak ng awiting ‘Ikaw’…
Say ni Mega, “I have a song for KC, you (Gabby) have a song for KC. Usually this song is a love song for weddings, for someone you love.
“Tonight, I will sing it for my eldest daughter.”
Pagdidiin pa niya, “I have four children. I do not have three. I have four.
“The first child to come and make me feel like a mother was this not-so-little girl beside me. She made my life complete. ”
Dagdag pa niya, na nagiging emosyonal na, “And if there’s anything that I regret…”
Pinutol siya ni KC at sabay sabing, “Tigilan n’yo yan,” na nakatingin din sa kanyang Papa Gabby.
Pagpapatuloy ni Sharon, “Sorry KC, we couldn’t give you that complete family. But you have two families that love you. But Papa and I, we never stopped loving you. You were never the problem.”
At nagsabihan sila ng “I love you”.
Hirit naman ni Gabby na nakamasid lang sa nagaganap, “Okay na kayo ha? Alam n’yo ho, makita ko lang silang okay, okay na ako. I’m happy.”
Kaya nasambit na lang ni KC na, “Grabe para naman akong nasa isang panaginip.”
Ramdam na ramdam namin ang bawat lyrics ng “Ikaw” habang kinakanta ito ni Sharon sa harap ni KC, kaya sobrang nakaka-touch sa simula pa lang, kaya for sure, marami ang pumatak ang mga luha habang pinapanood.
At sa kalagitnaan ng ng kanta ay hindi na napigilan na maiyak ni Sharon, at sinalo na siya ni KC sa pagkanta, at natapos naman nila ang kanilang duet.
Nagbiro pa si ng KC, “Teka lang, moment ko ito. My gosh! Ang sarap niyong makita together sa isang stage.”
Ang ganda rin ng song na pinili nila na kantahin ni Gabby for KC, ang ‘You Are the Sunshine of My Life’, na kung saan naki-jamming rin si Sharon, matapos na maging kampante na siya sa kanyang pag-iyak.
After ng sama-samang pagkanta nilang tatlo, may binitawang pahayag si KC sa kanyang parents…
“Para pong isang panaginip talaga. I just thank God, na nagkaroon tayo ng time na ganito. And ang dami kong natutunan, sa napapanood namin dito.
“Ma, i love you so much. Pa, i love you so much.”
Dagdag pasasalamat pa niya, “Ma, thank you for… sa lahat ng single mom na nandito ngayon, or naging single mom dati. Thank you for loving your children tulad ng minahal ako ng mommy ko.
“And sa lahat ng mga fathers out there, na talagang mahal na mahal ang mga anak nila. Papa, thank you for being there, just like mom, sa buhay ko nung lumaki na ako.
“And you know, yung past, past na ‘yun eh. What matter is, yung ngayon and ‘yung bukas. Pareho ko kayang mahal na mahal na mahal.
“You both are my ‘dear heart’, i love you!”
Malaking bahagi nga ng concert si KC, na may opening at closing spiel pa.
Nagustuhan din naman ang pag-duet nila sa painful song na ‘Tayong Dalawa’ at ‘Kahit Maputi na ang Buhok Ko’ na bagay na bagay sa kanila.
Of course, hindi matatapos ang historical concert kung hindi nila kakantahin ang first duet nila na ‘Come What May’, na for sure manghihinayang ang mga nauna nang umalis at hindi nahintay ang encore songs, kasama ang ‘Tonight, I Celebrate My Love’ at ‘Maybe’.
After ng concert nina ShaGab sa MOA Arena, magkakaroon naman ng “Dear Heart VIP Night” ngayong gabi (October 30) sa Okada Manila Grand Ballroom. habang ang “InLife’s Dear Heart in Cebu” ay mapapanood sa November 17 sa NUSTAR Convention Center.
Abangan na lang nating kung magkakaroon ng world tour ang ‘Dear Heart’ na wish ng mga ShaGab fans sa iba’t-ibang bansa.
Congrats Sharon at Gabby at sa buong team ng ‘Dear Heart: The Concert’, this is one for the books.
(ROHN ROMULO)
-
Walang planong magkabugan o magsapawan: RITA, sinisiguradong magugustuhan ang mga pasabog nila sa ‘Queendom Live’
WALA raw plano na magkabugan o magsapawan ang mga reyna sa ‘Queendom: Live’ concert na gaganapin mamayang gabi, December 2, sa Newport Performing Arts Theater, 8 p.m. Lahad ni Rita Daniela, “Siguro, I’m just really excited sa mangyayari sa Saturday. “Sobrang marami kaming hinandang pasabog talaga. “Definitely, sinisigurado namin […]
-
GET READY FOR DEV PATEL’S “MONKEY MAN,” DESCRIBED BY CRITICS AS THE “SOUTH ASIAN JOHN WICK” WITH ITS RAW AND INTENSE ACTION SCENES
DEV Patel has always loved action cinema. Patel (“Slumdog Millionaire,” “Lion”), who has been obsessed with action cinema from different parts of the world ever since he was a child, has been working on “Monkey Man” for nearly a decade. “It was an action-packed, crazy ride – blood, sweat, tears, broken bones, literally, for this […]
-
Navotas Mayor-elect pushes SMC megaproject
TINIYAK ni Navotas City mayor-elect Congressman John Rey Tiangco na mas maraming Navotenos ang makikinabang sa usapin sa trabaho mula sa mega-project ng San Miguel Corporation (SMC) na kinasasangkutan ng integrated expressway patungo sa new international airport sa Bulacan, Bulacan. Ani Tiangco, ang city council ay nagpasa na ng isang ordinansa bilang pag-asam […]