Reunion movie nina JOHN LLOYD at BEA, matutuloy sa taong ito
- Published on February 1, 2021
- by @peoplesbalita
LAST Wednesday, January 27, sa isang virtual conference, ibinahagi ni Direk Olivia Lamasan, Managing director ng ABS-CBN Films, na tuloy na ang reunion movie nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.
“Right now, tuloy pa rin ang creative development under Carmi Raymundo,” ayon kay Direk Olive.
“Tuluy-tuloy na ito, at this time, it’s a collaboration between John Lloyd himself and Bea. So tuloy ang project na one of the few projects that we have.”
Ibig sabihin, magku-contribute sina John Lloyd at Bea ng kanilang creativity, since pareho na silang maraming experiences sa paggawa ng mga pelikula na pinagtambalan nila. Ayon pa kay Direk Olive, nag-mature na raw si John Lloyd as a person and as a creative person.
“With all the things being ironed out for the film, it’s something that excites us, it’s something that excites the writer Carmi Raymundo, likewise sa director na si Cathy Garcia Molina, so hinihintay ko na lamang mabasa ang script, dahil excited na kami sa project na ito.”
Para sa naghihintay na mga fans nina John Lloyd at Bea, Direk Olive hinted the timeline of the movie: “We’re set to grind in the first quarter of this year. Na-delay lang ng kaunti so now it’s going to happen this year!”
***
MAY kinatatakutan pala si Kapuso actress Heart Evangelista na mangyari sa buhay niya ngayon, na pinost niya sa kanyang social media. Ito ay iyong mag-isa na lamang siya kapag dumating na ang kanyang oras na lisanin ang mundo.
“My husband, Sorsogon Governor Francis Escudero, ay laging sinasabing siya raw ang mauunang mawala sa mundo, kaya hindi ko maiwasang mag-isip ng ganoon,” pahayag ni Heart.
“My husband would always tell me to be strong. He doesn’t baby me whatsoever because he would tell me he would go first – feel like crying everytime he says that.
“I know I will one day die alone… it’s my biggest fear but I know by that time I will be happy with all the memories I have and I wil be stronger to face that one moment.
“But I still believe, na totoo na may langit at hindi ako iiwan ng mahal kong alagang aso, si Panda, who promised me that she will be there waiting for me so I won’t be scared.”
Sa tanong kung si Gov. Chiz ba talaga ang lalaking para sa kanya?
“Yes, ipinaglaban niya ako. He was kind, supportive, understanding, he loves me unconditionally, he’s my best friend.”
Sa February 14, Heart will turn 36 years old. February 15, 2015 naman sila ikinasal ni then Senator Chiz Escudero sa Balesin Island, sa Polilio, Quezon.
Sa ngayon, napapanood si Heart sa replay ng My Korean Jagiya with Alexander Lee, gabi-gabi sa GMA-7 after Love of My Life. Naghahanda na rin si Heart ng susunod niyang teleserye sa GMA Network, ang I Left My Heart in Sorsogon, na isu-shoot ang kabuuan sa Sorsogon in Bicol, the hometown of Gov. Chiz. (NORA V. CALDERON)
-
28 bahay sinira ng 2 tornado sa Florida
WINASAK ng dalawang tornado ang nasa 28 kabahayan sa Lee County, Southwest Florida. Ang nasabing tornadoes ay bunsod ng parehas na storm system na nagdulot ng pag-ulan ng yelo sa ilang bahagi ng East Coast kung saan mahigit 50 milyong mga katao doon ang nasa ilalim ng winter weather alerts. Umabot […]
-
DA: Mag-ingat sa mga frozen meat sa wet market
PINAG-IINGAT ng Department of Agriculture (DA) ang publiko laban sa mga ibinebentang mga frozen meat sa mga wet market na posible umanong kontaminado ng mga bacteria. Payo ng Kagawaran sa mga mamimili, tignan ang tatak ng National Meat Inspection Service (NMIS) upang matiyak ang kaligtasan sa pagkain. Kasabay nito, binalaan din […]
-
Quincentennial anniversary rites of 1st Holy Mass sa PH maayos na nairaos – Sinas
Mapayapa at matagumpay naidaraos ang quincentennial anniversary rites ng First Holy Mass sa Pilipinas na isinagawa sa Limasawa, Leyte, kahapon, March 31, 2021. Ayon kay PNP Chief Gen. Debold Sinas, pinaigting ng PNP region 8 ang seguridad sa lugar para mapanatili ang peaceful and orderly culmination ng ika- 500th Year of Christianity celebration […]