Reyes hinirang na PBAPC Coach of the Year
- Published on June 22, 2022
- by @peoplesbalita
KINILALA si Chot Reyes ng TNT Tropang Giga bilang PBA Press Corps (PBAPC) Coach of the Year para sa Season 46 matapos pagharian ang nakaraang Phlippine Cup.
Tatanggapin ng 58-anyos na si Reyes ang kanyang ikaanim na Virgilio ‘Baby’ Dalupan trophy sa traditional Awards Night ngayon sa Novotel Manila Araneta Center.
Tinalo ni Reyes si Tim Cone ng Barangay Ginebra para sa nasabing award makaraang bumalik sa PBA matapos ang halos isang dekadang pagkawala.
Ang pang-anim na Coach of the Year award ni Reyes ang pinakamarami sa kasaysayan ng PBAPC, ngunit kauna-uanahan para sa kanya matapos noong 2011.
Pamumunuan ni Reyes ang 14 pang awardees na pararangalan ng mga nagkokober sa PBA beat sa two-hour affair na pamamahalaan nina veteran sportscaster Sev Sarmenta at dating courtside reporter at ngayon ay news anchor na si Rizza Diaz.
Si re-elected Bulakan, Bulacan Mayor at dating MVP Vergel Meneses ang tatayong guest of honor sa programang magsisimula sa alas-7 ng gabi.
Si Barangay Ginebra governor Alfrancis Chua ang tatanggap sa Danny Floro Executive of the Year habang si NorthPort forward Arwind Santos ang gagawaran ng Defensive Player of the Year.
-
DOTr: Central command center para sa mga road accidents binuksan
Inilungsad ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) ang central command center para sa mga road related accidents at motor vehicle crimes. Kasama rin inilungsad ang bagong mobile app na tinawag na CitiSend na isang incident reporting mobile kung saan puwedeng ipagbigay alam ang mga road accidents at motor vehicle […]
-
DA, tiniyak ang mas maraming tulong matapos na sumirit sa P3-bilyon ang pinsala sa agrikultura
MINAMADALI na ng Department of Agriculture (DA) ang pagbibigay ng tulong sa mga apektadong magsasaka at mangingisda matapos na umabot sa P3 bilyon ang pinsala na dulot ng Tropical Storm Agaton. Sa Laging Handa public briefing, tinukoy ni Agriculture Undersecretary Fermin Adriano na ang DA ay nakapag-secure na ng five assistance deliveries sa […]
-
Filipinas magtutungo sa US para sa paghahanda sa 2023 FIFA Women’s World Cup
MAGTUTUNGO sa California ang Philppine Womens’ National Football team para magsanay bilang kahandaan sa 2023 FIFA Women’s World Cup. Sinabi ni Filipinas head coach Alen Stajici na magkakaroon ng isang friendly match sa mga susunod na linggo. Pipilitin nilang makapaglaro sa ilang mga international teams para mas lalong gumaling pa ang […]