• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Reyes suportado si Leni Robredo bilang pangulo

NAKAKUHA  ng suporta si Vice President Leni Robredo sa isa pang coach ng Philippine Basketball Association sa katauhan ni Gilas Pilipinas mentor at five-time PBA Coach of the Year Chot Reyes.

 

 

Kilala sa paggamit ng terminong “Puso” sa kampanya ng national team sa iba’t ibang international tournament, iginiit ni Reyes sa isang pahayag na ang dapat na susunod na pa­ngulo ay may puso para sa bansa at taumbayan gaya ni Robredo.

 

 

Si Reyes ang ikalawang PBA coach na nagpahayag ng suporta kay Robredo, kasunod ni NLEX mentor at dating Pampanga congressman Yeng Guiao.

 

 

“Puso ay ang pagmamahal sa bayan na nakikita sa mga gawaing nakakaangat ng buhay ng ating mga kababayan,” wika ni Reyes, na nagsabing patuloy ang Bise Presidente sa pagtugon sa mga problema ng bansa sa kabila ng mga hamon.

 

 

“Puso means not giving up no matter the odds are. Pabagsakin, at pilit mang siniraan, nagpatuloy pa rin sa pagtugon sa mga suliranin ng bansa. Mapa bagyo, lindol, sakuna, pandemic, anuman ang problema, nariyan siya, agad ang pagtulong,” dugtong pa niya.

 

 

Dahil sa malinis na track record ni Robredo, sinabi pa ni Reyes na nakatitiyak ang mga Pilipino ng mahusay, malinis at tapat na pamumuno sa ilalim ng isang lider na palaging handang maglingkod.

 

 

Ayon kay Reyes, buong pagmamalaki niyang kakatawanin ang bansa sa mga torneo kapag nanalo si Robredo bilang pangulo sa halalan sa Mayo.

 

 

“Ako si Chot Reyes, buong pusong lalaban at tataya para kay Leni Robredo,” pagtatapos ni Reyes.

Other News
  • Ads January 24, 2024

  • IATF, patuloy na magtatrabaho-Malakanyang

    MAGPAPATULOY ang trabaho at gampanin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa gitna ng umiiral na  coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.     “Ang masasabi lang po natin ay tuloy-tuloy naman po ang trabaho ng IATF. Hindi naman po sila naantala kahit po bago na ang administrasyon. So tinutuloy […]

  • Ads May 9, 2022