RHEN, determinadong sumikat at aminadong nakararamdam ng anxiety dahil sa kanyang career
- Published on September 21, 2021
- by @peoplesbalita
DETERMINADONG sumikat si Rhen Escano kaya naman bawat opportunity na dumarating sa kanya bilang artista ay gina-grab niya.
Pero aminado naman si Rhen na kung minsan ay nakararamdam din siya ng anxiety sa kanyang career.
Pero ito raw ang ginagamit niya na motivation to go on with her career.
“Ginagawa ko ang lahat kasi gusto kong maging successful bilang artista. Gusto kong sumikat kaya willing ako pagdaanan kahit na anong challenges, matupad ko lang ang dream ko,” sabi ni Rhen.
Si Rhen ang bida sa bagong Viva movie ni Direk Yam Laranas titled Paraluman. Katambal niya rito ang 90s idol na si Jao Mapa.
May-December affair ang kwento ng Paraluman at bumagay naman daw sina Rhen at Jao sa kanilang respective roles, ayon sa kanilang director.
***
BALIK-SHOWBIZ si Jolo Estrada, ang ikalawa sa apat na mga anak nina Jinggoy Estrada at Precy Ejercito.
Kasali siya sa cast ng Moonlight Butterfly ng 3:16 Media Network where he plays the brother of Christine Bermas who is being launched as a star sa pelikulang ididirek ni Joel Lamangan.
Si Jolo ay lumabas sa Ang Tatay Kong Sexy kung saan bida ang kanyang ama.
Mina-manage siya ni Leo Dominguez at umaasa ang binata na malaki ang maitutulong sa kanya ng kanyang manager to be successful sa showbiz.
Naniniwala si Leo sa potential ni Jolo as a leading kaya hindi siya tumigil until napapayag niya na muli itong mag-artista.
Inalok ng role si Jolo ng role ng 3:16 Media Network. Maging ang bagong production film ay naging interesado sa binata.
Pumasa rin siya sa taste ni Direk Joel kaya pasok siya sa pelikula na ang script ay isinulat ni Eric Ramos.
***
KASAMA sa listahan ng most popular books sa isang sikat na bookstore ang life story ni Manila Mayor Isko Moreno.
Ngayon lang namin nalaman na documented na pala via a book ang buhay ni Yorme.
Ang akala namin ay ‘yung pelikula lang ang documentation ng buhay ng dating That’s Entertainment mainstay na ngayon ay isa sa most admired mayors sa bansa.
Bagamat natapos na ang shoot ng pelikula sa buhay ni Yorme, wala pa itong playdate.
Mukhang hinihintay ng mga producers na magbukas muna ang sinehan kaya for now ay on hold ang release ng life story ni Mayor Isko.
Siyempre mas maganda kung mas marami ang makakapanood ng movie that stars McCoy de Leon as the Isko Moreno at si Xian Lim bilang Yorme, the politician.
Marami ang nag-aabang sa magiging announcement ni Mayor Isko regarding his political plans for next year. May grupo na kasi na kumakausap sa kanya na tumakbo siyang president.
(RICKY CALDERON)
-
DOT: ‘Pag-require ng RT-PCR test sa mga turista, nakadepende na sa mga LGUs’
Nasa kamay na umano ng mga lokal na pamahalaan kung kanilang ire-require ang mga turista na sumailalim sa RT-PCR COVID-19 test bago payagang makapasok sa kani-kanilang mga lugar. Ito ang binigyang-diin ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa nangyaring distribusyon ng cash assistance sa mga tourism workers sa lalawigan ng Rizal. Ayon […]
-
Mapapa-LSS at marami ang makaka-relate sa movie: REY, walang tinago at punum-puno ng kulay at drama ang buhay
TUNAY ngang punum-puno ng kulay at drama ang pinagdaanang buhay ng OPM hitmaker at award-winning composer na si Rey Valera sa biopic na dinirek ni Joven Tan, ang “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera).” Ito ang official entry ng Saranggola Media sa first Summer Metro Manila Film Festival […]
-
Eumir Marcial emosyonal sa pagkatalo laban sa mas batang Uzbek boxer
NABIGO si Pinoy boxer Eumir Marcial sa men’s 80 kgs. sa nagpapatuloy na Paris Olympics. Nakuha ng nakalaban nitong si Turabek Khabibullaev mula sa Uzbekistan ang unamous decision. Sa unang round pa lamang ay ginamit ng Uzbekistan boxer ang kaniyang tangkad at haba ng kamay para makuha ang […]