Rianne Malixi apektado ang pagpalo sa sobrang lamig
- Published on December 29, 2022
- by @peoplesbalita
BINABAGABAG ng malamig na klima, nagkasya si Rianne Mikhaela Malixi sa 78 para maiwan ng nine-stroke ni Vanessa Zhang ng Canada makaraan ang 18 butas ng Citrus Golf Trail Ladies Invitational nitong Martes (Miyerkoles sa ‘Pinas) sa Sun ‘N Lake course sa Sebring, Florida.
May isang birdie lang ang Pinay golfer na kinakalinga ng ICTSI (International Container Terminal Services, Inc.) laban sa limang bogey at double bogey sa pangangapa sa mahirap na course upang malagak sa pang-40 sa 96 na kalahok na may six-over 6 41 sa backside.
“She didn’t play well – jetlag, weather and non-familiarity (with the course) affected her game,” suma ng ama ni Malixi na si Roy. “She played while her body and mind clock were on sleep mode. I hope she would adjust and acclimatize in the second round.”
Sasabak pa ang kakatanghal na Thai Junior World champion at wagi ng dalawang titulo sa AJGA (American Junior Golf Association) ngayong taon sa Orlando International Amateur sa Jan. 4-6 sa Orange Country National at sa Annika Invitational sa Jan. 15-17 sa Eagle Creek Golf Club,pareho ring sa Florida. (CARD)
-
DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 38) Story by Geraldine Monzon
NAPAGKASUNDUAN ng mag-asawa at ng anak nilang si Bela na magpapaalam muna ang huli sa kanyang mga amo at sa tao na pinagkakautangan niya rin ng loob bago siya tuluyang sumama sa kanila. Si Cecilia. Ang tao na tinutukoy ni Andrea na tumulong sa kanya mula noong mawala ang mga magulang na kumupkop sa […]
-
Guiness World Record para sa Longest Line of Bowls of Noodles, nasungkit ng Malabon
NASUNGKIT ng Lungsod ng Malabon ang Guiness World Record para sa may pinakamahabang linya ng mangkok ng noodles nang maitala ang 6,549 mangkok na naglalaman ng bantog na Pancit Malabon. Mismong si Mayor Jeannie Sandoval ay nakibahagi sa preparasyon sa paglalagay ng Pancit Malabon sa mga mangkok na naglalaman ng minimum na 100 gramo […]
-
P361M naibahagu na financial assistance ng NHA sa taong 2024
UMABOT sa P361 million ang naipamahagi na Emergency Housing Assistance Program (EHAP) ng National Housing Authority (NHA) sa mga pamilyang Pilipino para sa buong taon ng 2024 na naapektuhan ng matinding kalamidad, sa ilalim ng pamumuno ni General Manager Joeben A. Tai. “The NHA is one with President Bongbong Marcos Jr.’s commitment to aiding the […]