• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RICHARD, makakatambal ni HEART sa ‘I Left My Heart In Sorsogon’

MUKHANG wish came true sa bagong Kapuso actor na si Richard Yap, na makatambal niya si Kapuso actress Heart Evangelista.

 

 

Nang ma-interview kasi si Richard nang bagong lipat pa lamang siya sa GMA Network, kung sinu-sino ang mga artistang babae na gusto niyang makatambal kapag gumawa na siya ng projects doon, nabanggit nga niya si Heart Evangelista, at Solenn Heussaff.

 

 

Ngayon ay nababalitang si Richard ang makakatambal ni Heart sa bago nitong gagawing weekly series na I Left My Heart In Sorsogon, na isu-shoot ang kabuuan sa Sorsogon in Bicol, na ang husband niyang si Chiz Escudero ang Governor doon.

 

 

Sa ngayon ay sunud-sunod pa ang TV guestings ni Richard sa mga shows ng GMA na iba-iba ang genre at kahit maikli lamang ang paggi-guest niya last Saturday sa Pepito Manaloto, naipakita pa rin niya na pwede nga rin siya sa comedy.

 

 

Samantala, last two weeks na lamang ang replay ng My Korean Jagiya na ginagampanan ni Heart at ng Korean actor na si Alexander Lee sa GMA Telebabad, napapanood ito Monday to Thursday, after ng Love of My Life.

 

 

***

 

 

NAG-POST si Kapuso actor Mark Herras sa Instagram niya last January 31 na nakaupo sa lap niya ang preggy partner niyang si Nicole Donesa na mukhang nagli-labor na, dahil ang caption ni Mark: Itchy I love you!! Alam ko nahihirapan ka pagod puyat pero malakas ka naman my Itchy at mamaya lang kasama na natin si Corky!! Love you!!! Konting tiis na lang my love!!

 

 

Kasunod ngang post ni Mark, magkasama na ang mag-inang Nicole at ang baby boy nilang si Corky: “Name: Mark Fernando Donesa Herras Born: January 31, 2021 Weight: 7.3 lbs Length: 53cm Hi I’m Corky wassap! Very good job mammeeeh!!!”

 

 

Sunud-sunod naman ang pagbati ng ‘congratulations’ kina Mark at Nicole mula sa mga kapwa nila Kapuso. Congratulations!!!

 

 

***

 

 

SINO kaya sa dalawang engaged showbiz couple ang mauunang magpakasal?

 

 

Halos magkasunod na nagpakita ng kani-kanilang engagement video si Kapuso actress Glaiza de Castro with Irish fiancé David Rainey, shot in Ireland.

 

 

Sina Luis Manzano at Jessy Mendiola naman ay kasama ang kanilang glam team na nag-shoot ng kanilang video sa paborito nilang lugar, ang Amanpulo Luxury Resort in Palawan.

 

 

Nakabalik na si Glaiza sa bansa pagkatapos ng one month vacation niya sa Ireland with the family of David at doon nga naganap ang kanilang engagement.

 

 

Now that she’s back, natanong na si Glaiza kung kailan daw naman magaganap ang wedding?

 

 

“Wala pa kaming date of wedding, pero napagplanuhan na namin na dalawang beses kaming magpapakasal,” sagot ni Glaiza sa interview sa Chika Minute’ ng 24 Oras.

 

 

Isa rito at isa sa Ireland. Iyon ay para parehong maka-attend ang respective family namin.  Sa panahon natin ngayon, mahirap ang magbiyahe sa ibang bansa, kaya gagawin ko muna ang bago kong project sa GMA Network, ang Nagbabagang Luha, with Rayver Cruz.”

 

 

Favorite vacation place nga nina Luis at Jessy ang Amanpulo at doon nila sure gagawin ang kanilang wedding, pero wala pa rin silang sinabi kung kailan ang kasal.

 

 

Post lamang ni Jessy, “Soon! Soon than you expected!” (NORA V. CALDERON)

Other News
  • PDu30, itinalaga sina Evasco at Jacinto sa bagong posisyon

    KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay  Leoncio Badilla Evasco Jr. bilang  Presidential Adviser on Streamlining of Government Processes, na may ranggo na Kalihim, noong Nobyembre  24, 2020.    Si PA Evasco ay hindi na bago sa  Duterte Administration dahil nagsilbi siya bilang Cabinet Secretary sa mga unang taon ng kasalukuyang […]

  • Quezon city naglunsad ng ‘care card’ para sa LGBTQIA+ couples

    INILUNSAD ng Quezon City government ang Right to Care Card para payagan ang mga LGBTQIA+ couple na gumawa ng mga medikal na desisyon sa ngalan ng kanilang mga partner.     Inilunsad ang card habang nagho-host ang lungsod ng Pride Festival, na nagsilbing plataporma para sa komunidad ng LGBTQIA+ na palakasin ang mga panawagan para […]

  • Operasyon ng ilang tren sa Metro Manila, suspendido muna para sa Holy Week – DoTr

    PANSAMANTALA munang sususpindehin ang railway services sa Metro Manila ng ilang araw dahil na rin sa Holy Week.     Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang Metro Rail Transit-Line 3 (MRT 3) at Light Rail Transit-Line 2 (LRT2) ay isasara sa April 13 (Holy Wednesday) hanggang April 17 (Easter Sunday).     Ang regular […]