RICHARD YAP, NAG-OBER DA BAKOD NA SA KAPUSO NETWORK
- Published on December 18, 2020
- by @peoplesbalita
Officially, isa nang ganap na Kapuso ang actor, singer, model, content creator, and businessman na si Richard Yap, matapos niyang pumirma ng management contract sa GMA Artist Center (GMAAC) last Wednesday, December 16.
Sa contract signing, inihayag ni Richard ang kanyang pasasalamat sa warm welcome sa kanya ng GMA. “I’m actually quite overwhelmed as I never thought this would come about. Now that it’s finally here I am just so happy and so thankful to become a part of the Kapuso family,”
Bilang pasimula ng kanyang Kapuso journey, gaganap muna si Richard sa isang episode ng well-loved comedy anthology na ‘Dear Uge Presents’ and in the late-night comedy- variety program ‘The Boobay and Tekla Show’ soon. Nakahanda na rin ang up-coming primetime series niya early next year.
Nangako rin si Richard sa kanyang audience na they can expec a lot from him in his new home. “Expect the unexpected? I guess you can expect me to try and experiment into other genres other than the ones that I’ve done before.”
Very eager din si Richard na makatrabaho ang various Kapuso stars tulad nina Marian Rivera, Heart Evangelista, Solenn Heusaff, Andrea Torres, his good friend Jean Garcia, and Michael V.
Welcome Kapuso Richard Yap!
*****
Sumabak na sina Ruru Madrid at Shaira Diaz, sa face-to-face training para sa action-packed series nilang “Lolong.” Aminado ang dalawa na na-challenge talaga sila sa kanilang face-to-face training serye na produced ng GMA Public Affairs.
“Nagsimula po muna kami sa training virtually, pero siyempre iba pa rin talaga kapag face-to-face na ang pagsasanay,” ayon kay Ruru. “Nakapag-train ako before pero kailangang i-refresh talaga, so iyon po talaga ‘yung mahirap. Even iyong flexibility mawawala po talaga yan, that’s why kailangan pong i-workout lagi namin.”
“Yung isa rin sa part na nahirapan ako, yung mga sipa,” sabi naman ni Shaira. “Dahil hindi nga ako masyadong flexible, nahihirapan po ‘yung legs ko na sumipa nang mataas, nawawala po ako sa balance.”
Kaya ngayon pa lamang kung excited ang mga viewers na mapanood ang “Lolong,” excited na rin sina Ruru at Shaira na maipalabas na ito dahil balita nila ay may mga makakasama silang mga artista mula sa ABS-CBN.
Isa pa rin sa magiging leading lady ni Ruru, ay si Arra San Agustin na mag-aaction din sa mga eksena.
Samantala, patuloy na napapanood gabi-gabi sina Ruru at Arra sa “Encantadia,”at 8:30 PM pagkatapos ng “24 Oras” sa GMA-7. (Nora V. Calderon)
-
VANESSA HUDGENS IS BACK IN ‘THE PRINCESS SWITCH’ SEQUEL ‘SWITCHED AGAIN’
THE photos for Vanessa Hudgens’ The Princess Switch: Switched Again have arrived. The holiday rom-com is coming to Netflix on November 19, 2020. Wait… there’s a third film coming! Vanessa Hudgens is all set to return to star in The Princess Switch 3, production begins in Scotland later this year for a holiday […]
-
Deployment ng mga pulis dodoblehin ngayong holiday season – PNP chief
DODOBLEHIN ng Philippine National Police (PNP) ang deployment ng mga pulis ngayong holiday season. Ito’y bilang paghahanda sa posibilidad na magkaroon ng pagtaas ng kaso ng kriminalidad ngayong holiday season. Kaya dodoblehin ni PNP Chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan ang mga pulis na magbibigay seguridad ngayong darating na pasko at bagong taon. […]
-
WHO nakahanap ng mga ebidensiya na mas hindi nakakahawa ang Omicron
Nakahanap pa ng mas maraming ebidensiya ang World Health Organization (WHO) na ang Omicron coronavirus variant ay labis na naapektuhan nito ang upper respiratory tract. Pero may katamtamang sintomas nito kumpara sa naunang Delta variant. Sinabi ni WHO Incident Manager Abdi Mahamud na maraming mga lumabas na pag-aaral na ang target […]