Rider todas sa araro ng SUV sa Bulacan
- Published on July 20, 2020
- by @peoplesbalita
Patay ang isang 24-anyos binatang motorcycle rider matapos masagasaan at araruhin pa ng humaharurot na sports utility vehicle sa bayan ng Guiguinto.
Sa report ni Guiguinto acting chief of police, P/Maj. Rolando Geronimo, kinilala ang biktima na si EhdGlenn Fajardo, residente ng Wawa St. Bagong Barrio, Balagtas.
Tumakas ang driver ng puting Kia Sorento (UIL- 643) at inabandona ang sasakyan.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente habang lulan sa motorsiklong Yamaha Nouvo Z ang biktima, bago maghatinggabi nitong Biyernes sa crossing ng Brgy. Poblacion, Guiguinto.
Base sa ibinahaging CCTV footage ni Michaela Alano, bandang 11:09 p.m. ay dahan-dahang paliko sa kaliwa ang rider mula sa Southbound nang banggain ng humaharurot na SUV.
Kita sa CCTV footage ang pagtilapon nang ilang metro ng biktima habang kinakaladkad ang kumikislap na motorsiklo.
Iniwan ng driver ang SUV sa Sitio Recoleto Uno, Brgy. Sta Rita na posibleng tumirik dahil sa tindi ng pagkakabangga sa motorsiklo.
Ayon sa report ng pulisya, nakarehistro ang sasakyan sa nagngangalang Bon Edralin Gulapa na naninirahan sa Sabang, Baliuag.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang driver ng SUV.
Humihingi naman ng hustisya ang kaanak ng biktima. Dick Mirasol III.
-
PBBM, pinalawak ang West Cebu ecozone; lumikha ng mas maraming RTC branch sa iba’t ibang panig ng Pinas
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapalawak sa West Cebu Industrial Park, Philippine Economic Zone Authority (PEZA)-registered special economic zone sa bayan ng Balamban sa lalawigan ng Cebu. Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Proclamation No. 710 noong Oct. 16, isang kopya kung saan isinapubliko araw ng Linggo, pinili ang […]
-
Alert Level 1, itinaas sa Mayon volcano
ITINAAS ngayon ang alert level sa Mayon volcano dahil daw sa hindi nito pagiging normal. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), mula sa dating Alert Level 0 o normal ay itinaas ito sa Alert Level 1 o low-level unrest. “The public is reminded that entry into the 6-km […]
-
Ads August 21, 2020