• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RIDER TODAS SA DUMP TRUCK

ISANG rider ang namatay matapos magulungan ng isang dump truck nang tumilapon sa kanyang minamanehong motorsiklo sa Caloocan city, kahapon ng madaling araw.

 

Dead-on-arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng mga tinamong pinsala sa katawan ang biktimang si Isagani Sorio, 36, company employee at residente ng Lot-6 Block 9 Pascual Subd., Brgy. Baesa, Quezon city.

 

Nahaharap naman sa kasong Reckless imprudence resulting in Homicide at Damaged to Property ang driver ng dump truck Sinotruck na may plakang (MAD-33277) na si Carlito Bernardino, 48 ng Condrado St. Brgy. Niugan, Angat Bulacan.

 

Ayon kay Caloocan police traffic investigator PCpl Dino Supolmo, dakong alas-12:10 ng hating gabi, kapwa tinatahak ng biktima sakay ng kanyang Yamaha Mio Sporty at ng dump truck na minamaneho ni Bernardino ang kahabaan ng Tullahan Road, Sta. Cateria, Brgy. 163 ng lungsod patungong Quirino Highway, Quezon city nang mag-overtake umano sa truck ang rider.

 

Nawalan umano ng control ang biktima at tumama ang harapang gulong ng kanyang motorsiklo sa sementadong gutter ng kalsada bago bumagsak.

 

Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima hanggang sa makaladkad at magulungan ng harapan kanang gulong ng dump truck dahilan upang mabilis itong isinugod sa naturang pagamutan habang sumuko naman kay PEMS Ronald Villafaña ng Caloocan Police SS6 si Bernardino. (Richard Mesa)

Other News
  • Nagpaabot ng suporta si Michelle: MARINA SUMMERS, first Pinoy na magku-compete sa ‘Drag Race UK vs. The World’

    RAMDAM na agad ang chemistry sa pagitan ng Sparkle Loveteam na AshCo nila Ashley Sarmiento and Marco Masa.       Sa launch ng kanilang loveteam para sa Sparkle TikTok Kilig Series, makikita agad na kumportable sila sa isa’t isa. Dahil na rin siguro sa co-stars sila sa teleserye na ‘Black Rider’ bago sila maging […]

  • P52.1-M relief assistance naibigay na sa mga biktima ng bagyong Ulysses – DSWD

    Umaabot na sa P52.1 million ang relief assistance ang naipagkaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga naapektuhan ng bagyong Ulysses.   Sinabi ni DSWD Sec. Rolando Bautista, naipamahagi ang mga tulong partikular ang food at non-food items sa regions 1, 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, region 5, Cordillera Administrative Region (CAR) at […]

  • US tennis player Sofia Kenin, hinirang bilang WTA Player of the Year

    Hinirang bilang Women’s Tennis Association (WTA) Player of the Year si Sofia Kenin ng US.   Ito ay matapos na makuha ang Grand Slam singles title sa Australian Open.   Tinalo kasi ni Kenin si World Number 1 Ashleigh Barty sa semi-finals at si two-time Grand Slam champion Garbine Muguruza sa finals.   Umabot rin […]