• September 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RIDER TODAS SA DUMP TRUCK

ISANG rider ang namatay matapos magulungan ng isang dump truck nang tumilapon sa kanyang minamanehong motorsiklo sa Caloocan city, kahapon ng madaling araw.

 

Dead-on-arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng mga tinamong pinsala sa katawan ang biktimang si Isagani Sorio, 36, company employee at residente ng Lot-6 Block 9 Pascual Subd., Brgy. Baesa, Quezon city.

 

Nahaharap naman sa kasong Reckless imprudence resulting in Homicide at Damaged to Property ang driver ng dump truck Sinotruck na may plakang (MAD-33277) na si Carlito Bernardino, 48 ng Condrado St. Brgy. Niugan, Angat Bulacan.

 

Ayon kay Caloocan police traffic investigator PCpl Dino Supolmo, dakong alas-12:10 ng hating gabi, kapwa tinatahak ng biktima sakay ng kanyang Yamaha Mio Sporty at ng dump truck na minamaneho ni Bernardino ang kahabaan ng Tullahan Road, Sta. Cateria, Brgy. 163 ng lungsod patungong Quirino Highway, Quezon city nang mag-overtake umano sa truck ang rider.

 

Nawalan umano ng control ang biktima at tumama ang harapang gulong ng kanyang motorsiklo sa sementadong gutter ng kalsada bago bumagsak.

 

Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima hanggang sa makaladkad at magulungan ng harapan kanang gulong ng dump truck dahilan upang mabilis itong isinugod sa naturang pagamutan habang sumuko naman kay PEMS Ronald Villafaña ng Caloocan Police SS6 si Bernardino. (Richard Mesa)

Other News
  • LRT 1 Cavite extension on time ang construction

    NANGAKO ang Department of Transportation (DOTr) na ang Light Rail Transit Line 1 Cavite Extension Project ay matatapos ayon sa schedule nito kung saan ito ay magiging operasyonal sa huling quarter ng taong 2024.       Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista na sinabi ng Light Rail Manila Corp. (LRMC) na siyang namamahala, ang […]

  • JENNYLYN, kinutuban pero wala talagang idea sa pagpo-propose ni DENNIS; wish nila na magkaroon naman ng baby girl

    “WE are getting married,” pahayag ng mga Kapuso stars na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa “Chika Minute” ng 24 Oras last Friday, October 29.      Inamin na rin ni Dennis na isang intimate at simple, but heartfelt proposal lamang ang ginawa niya.     “Wala akong idea tungkol sa proposal,” sabi ni […]

  • Cashless/contactless payments sa mga tollways, ipapatupad

    Ire-require na rin ng Department of Transportation (DOTr) sa mga expressways ang paggamit ng cashless o contactless payments sa kanilang mga tollways, upang matiyak na protektado ang publiko laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).   Nabatid na inisyu ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang Department Order 2020-012 noong Agosto 13 at inaatasan ang mga ahensiya […]