Riding-in-tandem na tumakas sa Oplan Sita sa Valenzuela, buking sa boga
- Published on March 8, 2025
- by Peoples Balita
SA kulungan ang bagsak ng dalawang kelot, kabilang ang 19-anyos na estudyante nang mabisto ang dalang baril makaraang takbuhan ang mga pulis sa Oplan Sita habang sakay ng isang motorsiklo sa Valenzuela City.
Sa kanyang ulat kay NPD Acting District Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban na nadakip ng kanyang mga tauhan ang 21-anyos na auto mechanic mula sa Bagong Barrio, Caloocan City, at 19-anyos na automotive student mula sa Brgy. Gen. T. De Leon.
Ani Col. Cayaban, habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 2 sa harap ng Gen. T. De Leon National High School nang parahin nila ang dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo na walang plaka.
Sa halip na huminto, pinaharurot ng mga suspek ang kanilang motorsiklo at muntik pang masagasaan ang isa sa mga pulis kaya hinabol sila ng mga ito hanggang sa makorner sa isang dead-end na lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanila.
Nang kapkapan, nakuha sa estudyante ang isang caliber .9mm Pistol na kargado ng anim na bala sa magazine nito, habang ang motorsiklong gamit nila ay kinumpiska rin bilang bahagi ng imbestigasyon.
Iprinisinta na ang mga suspek sa inquest proceeding sa Valenzuela City Prosecutor’s Office kaugnay sa isinampang mga kaso laban sa kanila na paglabag sa Article 151 (Resistance and Disobedience to a Person in Authority) of the Revised Penal Code at RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) in relation to BP 881 (Omnibus Election Code. (Richard Mesa)
-
VALENZUELANONG LUMABAG SA BATAS-TRAPIKO, ABSWELTO SA MULTA
NAGPASA ang Sanggunian ng Valenzuela City ng ordinansang nag-aabswelto sa mga motoristang Valenzuelano na nahuling lumabag sa mga batas trapiko sa pamamagitan ng No Contact Apprehension Program (NCAP) na magbayad ng multa. Nakasaad sa Ordinance No. 901 Series of 2021, ang mga motoristang lumabag sa batas trapiko habang nakataas ang enhanced community quarantine […]
-
BELA, umamin na nagbakasyon sa Turkey sa gitna ng pandemya
SA latest Instagram post ni Bela Padilla, pagkatapos niyang i-post ang naging 3rd anniversary celebration nila ng mga kaibigang sina Kim Chiu at Angelica Panganiban, umamin na ang ac- tress na nagpunta nga siya ng Turkey. Usap-usapan nga na sa gitna ng pandemic at kunsaan, takot pa ang mga tao na mag-travel, nakaalis ng […]
-
PBBM, ipinag-utos ang QUICK RELIEF ASSISTANCE para sa ‘isolated’ na pamilya sa TANAY, RIZAL
INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kinauukulang ahensiya ng gobyerno na magbigay ng agarang tulong sa pamilya na hindi maabot ng relief assistance sa Sta. Ines, Tanay bunsod ng hindi madaanang lansangan. Sa situation briefing sa San Mateo, Rizal ukol sa epekto ng bagyong Carina at Habagat sa lalawigan, […]