• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Riot ng mga kabataan napigilan sa Malabon, 2 timbog sa Molotov bomb

NAPIGILAN ng pulisya ang napipintong riot ng mga kabataang lalaki makaraang madakip ang dalawang hinihinalang miyembro ng isang gang, kabilang ang isang menor-de-edad habang bitbit ang dalawang molotov bomb sa Malabon city.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Albert Barot ang isa sa naaresto na si Jimmy Boy Villena, 20 habang hindi naman pinangalanan ang 17-anyos niyang kasama, kapwa residente ng Dulong Bronze, Brgy. Tugatog.

 

 

Ayon kay Col. Barot, isinailalim na sa swab test ang menor-de-edad na suspek bago siya dalhin sa pangangalaga ng Bahay Pag-asa sa Brgy. Longos para bigyang kalinga at gabay upang maituwid ang direksiyon ng kanyang buhay.

 

 

Sa imbestigasyon nina P/MSgt. Julius Mabasa at P/SSgt. Mardelio Osting, habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 2 pasado alas-12 ng hatinggabi, namataan nila ang mga suspek na naglalakad sa kanto ng M.H. Del Pilar at Basilio St. na malinaw na paglabag sa curfew hour.

 

 

Napagalaman na madalas mangyari ang riot ng mga kabataan sa naturang lugar na madalas maganap sa dis-oras ng gabi kaya’t iniutos ni Col. Barot ang regular na pagpapatrulya ng pulisya sa lugar.

 

 

Nang kapkapan ng mga pulis ang dalawa, nakuha sa kanila ang dalawang improvised molotov coctail bomb na karaniwang ginagamit ng mga kabataan sa pakikipag-riot sa kalabang gang.

 

 

Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9516 o possession of Molotov cocktail bomb ang mga nadakip na suspek sa piskalya ng Malabon. (Richard Mesa)

Other News
  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 37) Story by Geraldine Monzon

    SA WAKAS  ay muling nabuo ang pamilya Cabrera. Sina Bernard, Angela at ang anak nilang si Bela. Kaya naman walang ibang nasa isip ngayon ang mag-asawa kundi paghandaan ang selebrasyon para sa pagbabalik ni Bela sa kanilang buhay. Walang pagsidlan ang tuwang nararamdaman nila. Nakakuha rin ng magandang tiyempo si Andrea para magpaalam sa kanyang […]

  • World Cup: Germany talo sa Japan sa dalawang late goals

    DOHA, Qatar — Nag-iskor ng late goal ang mga pamalit na sina Ritsu Doan at Takuma Asano noong Miyerkules upang bigyan ang Japan ng come-from-behind 2-1 na tagumpay laban sa Germany sa World Cup.   Binigyan ni Ilkay Gündogan ang four-time champion Germany ng pangunguna sa first-half penalty. Ngunit si Doan, na naglalaro para sa […]

  • Naospital dahil sa blood clot sa utak… JUSTIN BIEBER, nagbigay na ng update sa health ng asawa na si HAILEY

    NAGBIGAY ng update si Justin Bieber tungkol sa kalusugan ng kanyang misis na si Hailey Bieber pagkatapos itong madala sa ospital noong magkaroon ito ng blood clot sa utak.     Inamin ni Bieber na natakot daw siya dahil wala naman daw siyang naramdaman na kakaiba sa kinikilos ni Hailey noong magkasama sila noong umagang […]