• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Risk allowance ng 20K health workers mababayaran na

Nangako si Health Secretary Francisco Duque III na mababayaran na ang P311 Special Risk Allowance ng 20,000 pang healthcare workers.

 

 

Sa kanyang pag­harap sa pagdinig ng House Committee on Health, sinabi ni Duque na natukoy na ang nasabing mga healthcare workers at maibibigay na ang SRA ng mga ito ngayong araw.

 

 

Una nang nagbanta ang grupo ng mga healthcare workers na magsasagawa ng mass resignation kapag hindi nabayaran ang kanilang mga SRA at iba pang mga allowance sa gitna na rin ng sakripisyo sa pagsabak sa COVID-19.

 

 

Bunsod nito, inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Duque at ang Department of Budget and Management (DBM) na bayaran ang SRA at iba pang mga allowance ng medical frontliners sa loob ng 10 araw.

 

 

Samantala, aabot sa P7M ang utang ng PhilHealth sa bawat miyembro ng Philippine Hospital Association o kabuuang P86 bilyon sa mga hindi nabayarang claims partikular na sa COVID patients.

 

 

Sinabi ni PHA President Dr. Jaime Almora na ang P86 bilyon ay ang kabuuang halaga na ginastos ng mga ospital sa kanilang pasyente pero walang reimbursement sa PhilHealth.

 

 

Ayon kay Almora, nasa P13.6 bilyon ang denied claims, nasa P13 bilyon hanggang P16 bilyon ang in-process claims, at P46 bilyon ang Return to Hospital (RTH) claims.  (Daris Jose)

Other News
  • Sa kanyang unang concert para sa 2024: ICE, maghahatid ng one-of-a-kind videoke concert experience

    ILABAS na ang pagiging superstar, tumungo sa spotlight, at kunin ang songbook at ang mikropono dahil nakatakdang magdala ng si Ice Seguerra ng one-of-a-kind videoke concert experience sa kanyang unang concert ngayong 2024, ang ‘Videoke Hits, ‘ na gaganapin sa Music Museum sa Mayo 10 at 11. Isang selebrasyon ng mga kantang gustung-gusto natin, kasama […]

  • Ads November 7, 2022

  • SC hinimok ideklarang unconstitutional P125-M transfer sa OVP confidential funds

    NAGHAIN  ng petisyon sa Korte Suprema ang isang grupo ng mga abogado, atbp. para ideklarang labag sa Saligang Batas ang paglipat ng P125 milyong confidential funds para sa Office of the Vice President.     Sa 49-pahinang petisyong isinumite ngayong Martes, inilalaban ngayon ng naturang grupo na maibalik ng OVP ang kontrobersyal na halaga sa […]