RITA, ‘di nagustuhan ang comment na ‘over acting’ at napag-iiwanan kaya natawag na ‘demonyo’ ang basher
- Published on February 8, 2021
- by @peoplesbalita
ISANG netizen na may IG account na @arte.basics ang nagsabing napag-iiwanan daw si Rita Avila pagdating sa aktingan ng mga co-stars niya na sina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado at Maricel Soriano.
Sinagot naman ito ni Rita nang, “oh I am sorry naman kung d ka naayusan sa acting ko.”
Nagpaliwanag naman ang nag-comment na fan daw siya ng serye at sobrang nakatutok daw sila sa online at napansin lang daw nila.
Sey ulit ni Rita, “Sorry to hear na ako ang napag iwanan sa acting. I have done my best but it didn’t pass your standards.”
Hindi naman nagustuhan ni Rita ang nag-comment na over acting siya. Kahit nagpaliwanag ang nag-comment na na-misunderstood lang daw siya ng actress.
“Insulto yan sa mga directors ng ASIAA at sa management na nag-approve ng performance ko. Hirap na hirap na kaming lahat sa trabaho and that is what you will say?”
At saka niya binalikan muli ang nag-comment na napag-iiwanan siya sa acting.
Aniya, “sa dami na ng na high blood, kinakabahan na nga ako. Parusa sa mga artistang kontrabida ang role. Pero kakaiba itong si @arte.basics, iba ang galit sa akin. Tinapakan ako. Minaliit. Well, I cannot please everybody. But to make 99% angry at Belen is already a triumph.”
Yun lang, hindi pa rito nagtapos. Nag-video pa si Rita kunsaan ay galit na galit siya dahil pati raw relasyon nilang mag-asawa ay sinisira na ng naturang netizen.
Hanggang sa ang tawag na ni Rita rito ay “demonyo.”
***
NAGDULOT ng kilig ang pinost na work-out video ni Matteo Gudicelli.
Hindi makikita sa video na pinost sa Instagram ni Matteo ang misis na si Sarah Geronimo, pero dinig na dinig ang boses nito.
Hindi boses na kumakanta si Sarah sa background. Pero, daig pa nito ang gym or workout coach ni Matteo sa pagpuna ng pagwu-workout ng asawa at nagde-demand pa kung wala raw bang push-up na gagawin si Matteo.
Sabi ni Sarah, “Nagmamadali ka naman kasi Love, e. Bakit walang push-up Love? Wala bang push-up ‘yan?”
Nang mag-push-up nga si Matteo, si Sarah pa ang nagbilang dito. Kaya hirit ni Matteo, “Ang strict ng trainor ko.”
Siyempre ang daming kinilig at sa caption nga ni Matteo sa kanyang IG video post, “Gentlemen, the best workout coach is your wife.” At saka nito sinundan ng emoji na 100.
***
PAREHONG nag-celebrate na ng pa-advance Valentine’s Day nila sa kanilang respective partners ang mga bida ng bagong serye ng GMA Public Affairs, ang Owe My Love na sina Lovi Poe at Benjamin Alves.
Si Benjamin, after raw ng first leg ng taping nila, nagpunta sila ng Boracay ng girlfriend na si Chelsea Robato. Si Lovi naman, lumipad pa ito papuntang Los Angeles para makasama ang boyfriend na si Montgomery Blencowe.
Matagal silang hindi nagkasama dahil sa lockdown, so obviously, sinulit na nilang lahat ang okasyon nang magkasama.
Naka-lock-in taping silang lahat ngayon hanggang March pa sa Owe My Love kaya sa mismong Valentine’s Day, virtual celebration na lang silang dalawa sa kanilang mga boyfriend/girlfriend.
Daig sila ni Ai Ai delas Alas dahil kasama niya ang mister na si Gerald Sibayan. Ang mister na rin niya ang nagsisilbing driver at nagluluto para sa kanila.
Sa February 15 sa GMA Telebabad na magsisimulang mapanood ang Owe My Love. (ROSE GARCIA)
-
PAGASA aprub suhestyon na isama sa weather update kulay ng damit na isusuot
SINANG-AYUNAN ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang panawagan ni Sen. Francis ‘Tol’ Tolentino na isama sa ilalabas na weather update kung ano ang kulay ng damit na dapat isuot upang maging angkop sa panahon. Sa programang SOS ng DZRH, hiniling ni Sen. Tolentino kay Analiza Solis, Chief ng ClimateMonitoring […]
-
BI, pag-aaralan ang mga records at kaso ng ‘crypto scam’ trafficking victims
PAG-AARALAN ng Bureau of Immigration (BI) ang records ng walong repatriated Filipinos na nabiktima ng cryptocurrency scammers. Sinabi ni Commissioner Norman Tansingco na inatasan niya ang Travel Control and Enforcement ng Bureau of Immigration na imbestigahan ang kaso ng mga biktimang ito na dumating sa bansa noong Lunes ng gabi sa pamamagitan ng […]
-
PDu30, magpapartisipa sa online meeting ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) leaders sa Nov. 20
MAGPAPARTISIPA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa online meeting ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) leaders sa darating na Biyernes, Nobyembre 20 habang ang mundo ay nakikipaglaban sa economic fallout sanhi ng COVID-19 pandemic. Ito ang magiging kauna-unahan na ang APEC Economic Leaders’ Meeting ay gagawin “virtually.” Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na […]