Rizal Memorial pansamantlang isasara dahil sa isasagawang decontamination
- Published on July 31, 2020
- by @peoplesbalita
Pansamantalang isasara ang Rizal Memorial Sports Complex ngayong sa loob ng isang araw para sa isasagawang decontamination.
Sa isang panayam, sinabi ni ‘Hatid Tulong” initiative head Asec. Joseph Encabo, isasailalim sa lockdown simula alas-9:00 ng umaga ngayong Hulyo 30, 2020 ang buong complex.
Ito ay matapos na mamalagi doon sa mga nakalipas na linggo ang mahigit 6,500 locally stranded individuals (LSIs).
Sinabi ni Encabo na pansamantalang pinalisan din muna nila ang iba pang mga taong nagtatrabaho sa loob at palibot ng sports complex kabilang na ang mga empleyado ng Philippine Sports Commission at Manila Department of Public Services.
Sa ngayon, sinabi ni Encabo na wala nang LSIs sa mga stadiums ng complex matapos na makasakay sa barko papuntang Zamboanga Peninsula ang last batch ng 1,017 stranded passengers.
Magmula noong Sabado, 6,583 katao ang nag-avail ng travel assistance sa mga probinsya bilang bahagi ng ikalawang batch ng Hatid Tulong initiative.
Pero 48 rito ang nagpositibo sa rapid tests na isinagawa sa mga pasahero bago payagan makauwi ng kanya-kanyang probinsya.
Sa ngayon, hinihintay pa ng mga ito ang resulta naman ng isinagawang swab test sa kanila.
Nananatili ang mga ito sa kasalukuyan sa iba’t ibang quarantine facilities sa Manila. (ARA ROMERO)
-
Pribadong sektor, kinukunsidera na bakunahan ang mga anak ng kanilang mga empleyado
KINUKUNSIDERA ngayon ng pribadong sektor na bakunahan ang mga anak ng kanilang mga empleyado. “Ang vaccination level of acceptance dito sa private sector, ang taas, umaabot ng 90 to 100%…So now what we’re telling them, bakunahan na rin namin ‘yung mga anak ng empleyado namin,” ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Sec. Joey Concepcion sa Laging Handa public briefing, araw ng […]
-
FACE SHIELDS, BARRIERS, ROADBLOCKS, CURFEW SA PANAHON ng PANDEMYA, ATBP.
Pinatupad na sa public transport ang “no face mask, no face shield, no ride” policy. Sa mga mangagawa ay ipinagutos na rin ang pagsuot ng face shield. May ilang business establishments na may polisiya na rin ng “no mask, no face, shield no entry.” Kaya naman nagsisiguro na ang ating mga mamamayan na magsuot ng face […]
-
Pinoy archers tatarget ng Olympic ticket sa Paris
Kumpiyansa si archery president Jesus Clint Aranas na isa sa limang national archers ang makakapana ng tiket para sa 2021 Olympic Games na idaraos sa Tokyo, Japan. Sasabak sina national archers Riley Silos, Jason Emmanuel Feliciano, Pia Elizabeth Bidaure, Phoebe Nicole Amistoso at Gabrielle Monica Bidaure sa World Olympic Qualifiers sa Paris, France […]