• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Roach, nangangamba baka huling laban na ni Pacquiao ang nangyaring harapan vs Ugas

Inamin na rin ng kilalang trainer at Hall of Famer coach Freddie Roach na ito na ang panahon para magretiro ang kanyang best boxing student na si Manny Pacquiao.

 

 

Ayon kay Roach, nangangamba siya at natatakot na baka ito na ang ang huling laban ni Pacquiao matapos na lumasap nang pagkatalo sa Cuban champion na si Yordenis Ugas.

 

 

Sinabi ni Roach, napakatagal na ring panahon na kasama niya si Pacquiao at sa naging performance nito nitong nakalipas na linggo ay hindi na ito katulad noong huling laban kay Keith Thurman noong taong 2019.

 

 

Paliwanag pa ni roach, bilang best fighter, masaklap sabihin na magretiro na si Pacquiao.

 

 

Ayaw daw nito itong makita na mangyayari, pero ang panahon na ang makapagsasabi.

 

 

Sa huli aniya, ang fighting senator pa rin daw ang magdedesisyon.

 

 

Samantala, ang kababata ni Pacquiao ang isa rin sa malapit na trainer na si Buboy Fernandez, pwede pa raw lumaban ang eight division world champion at babawi ito.

 

 

Samatala inaasahan namang magpapa-checkup sa kanang mata si Pacquiao habang nasa Los Angeles.

 

 

Ang kaliwang mata naman nito ay nangailangan ng limang tahi matapos na tamaan ng mga jabs ni Ugas.

Other News
  • Workers tablado sa dagdag sahod ngayong Labor Day

    WALANG naganap na anunsyo ng dagdag-sweldo sa mga manggagawa ngayong Mayo 1, Labor Day habang pinag-aaralan pa ang mga petisyon, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).     “Sa May 1, walang lalabas na adjustment [sa sahod] agad kasi dumaraan pa sa proseso,” ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma.     Mayroong walong […]

  • Ads September 7, 2023

  • Ads September 1, 2022