• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ROBI at ICE, eeksena sa ‘4th EDDYS’ ng SPEEd na gaganapin sa Easter Sunday

MAGKAKAALAMAN na sa April 4, Easter Sunday, kung sinu-sino ang tatanghaling pinakamagagaling sa mundo ng pelikula ngayong taon sa gaganaping 4th EDDYS (Entertainment Editors’ Choice).

 

 

Tuluy na tuloy na ang pamimigay ng parangal ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa ikaapat na edisyon ng The EDDYS sa mismong Linggo ng Pagkabuhay, 8 p.m., sa FDCP Channel (fdcpchannel.ph), SPEEd Facebook page (Society of Philippine Entertainment Editors) at iba pang digital platforms.

 

 

Ang award-winning Kapamilya star na si Robi Domingo ang magsisilbing host ng maningning at pinakaaabangang Gabi ng Parangal. Sa pakikipagtulungan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ni Chairperson/CEO Liza Diño-Seguerra, ang 4th EDDYS ay sa ilalim ng direksyon ng OPM icon at singer-songwriter na si Ice Seguerra.    Samantala, may mahalagang partisipasyon din sa awards night sina Batangas 6th District Representative at Star for All Seasons Vilma Santos-Recto at AKTOR Chairman of the Board Dingdong Dantes.

 

 

Si Rep. Vi, na kauna-unahang EDDYS best actress para sa pelikulang Everything About Her noong 2017, ang naatasang mag-present ng Best Actress award habang ang 3rd EDDYS best actor naman na si Dingdong (para sa pelikulang Sid & Aya) ang maghahayag ng mananalong Best Actor.

 

Labing-apat na kategorya ang paglalabanan ng mga de-kalidad na pelikulang ipinalabas noong nakaraang taon.

 

 

Sa Best Actress category maglalaban-laban sina Charlie Dizon (Fan Girl), Coleen Garcia (Mia), Bela Padilla (On Vodka, Beers and Regrets), Cristine Reyes (UnTrue), at Sylvia Sanchez (Coming Home).    Patalbugan naman sa pagiging Best Actor sina John Arcilla (Suarez: The Healing Priest), Paulo Avelino (Fan Girl), Elijah Canlas (He Who Is Without Sin), Adrian Lindayag (The Boy Foretold By The Stars), at JC Santos (Motel Acacia).

 

 

Limang de-kalibreng pelikula naman ang magpapagalingan para sa Best Picture ngayong taon, yan ang Fan Girl, Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story, He Who Is Without Sin, The Boy Foretold By The Stars at UnTrue. Sino naman kaya kina Sigrid Andrea P. Bernardo (UnTrue), Antoinette Jadaone (Fan Girl), Jason Paul Laxamana (He Who Is Without Sin), Avid Liongoren (Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story), at Irene Emma Villamor (On Vodka, Beers and Regrets) ang tatanghaling pinakamagaling na direktor?

 

 

Bukod dito, bibigyang-pagkilala rin ang mga natatanging artista at personalidad na nagmarka at walang sawang tumutulong sa industriya ng pelikula.

 

 

Ang 2021 Icon awardees ay sina Tommy Abuel, Pilar Pilapil, Boots Anson-Rodrigo, Gina Pareño, Dante Rivero, Ronaldo Valdez, Direk Joel Lamangan, Ricky Lee at Caridad Sanchez.

 

 

Ilulunsad din ang Isah V. Red Award bilang pagkilala at pag-alala sa yumaong founding president ng SPEEd na si Isah V. Red. Ang mga unang tatanggap ng IVR Award ay sina Ramon Ang, Senator Bong Revilla, Kim Chiu, Angel Locsin, Claire de Leon-Papa at Rhea Anicoche-Tan.

 

 

 

Special awardees naman sina Lolit Solis (Joe Quirino Award); Mario Bautista (Manny Pichel Award); Blacksheep Productions (Rising Producers Circle Award); at The IdeaFirst Company (Producer of the Year Award).

 

 

Tulad ng mga nakaraang taon, si Juancho Robles, managing partner ng Chan Robles & Company, CPAs, ang tatayong auditor ng 4th EDDYS.

 

 

Major sponsors naman ang Toktok courier service/delivery app at Beautederm Corporation. Ang iba pang katuwang ng SPEEd sa pagdaraos ng 2021 Entertainment Editors’ Choice ay ang mga sumusunod: San Miguel Corp., House Speaker Lord Allan Velasco, Rep. Alfred Vargas, Rep. Niña Taduran (ng Patrylist na ACT-CIS), Willie Revillame, Raffy Tulfo, Tiger Crackers, Aficionado of Joel Cruz, Smart Shot at Maris Pure Corp.

 

 

Mapapanood ang 4th The EDDYS sa April 4, 8 p.m., sa FDCP Channel (sa ilalim ng EVENTS tab), SPEEd Facebook page at iba pang digital platforms. Mag-register lang sa FDCP Channel para sa libreng access. (ROHN ROMULO)

Other News
  • BINATANG HELPER, TODAS SA DATING KAALITAN

    PATAY ang isang 50-anyos na helper nang pagsasaksakin ng dati nitong kaalitan nang nag-krus ang kanilang landas sa isang eskinita sa Tondo, Manila Martes ng hapon.     Hindi na umabot ng buhay sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ang biktimang si Ronnie Alcoriza Y Escurel ng 368 Padre Rada St., Brgy. 26, Tondo, Manila […]

  • LTFRB: Naglalagay ng “mystery passengers” sa mga PUVs

    NAGLALAGAY ng “mystery passengers” ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga pampublikong sasakyan upang matutukan mabuti ang pagpapatupad ng “no vax, no ride” polisia ng Department of Transportation (DOTr).       Sa isang memorandum na nilagdaan ni DOTr Secretary Arthur Tugade, ang mga pasahero ng mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila […]

  • OIL SPILL, PINAGHAHANDAAN NA NG PCG

    PINAGHAHANDAAN na ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa contingency measures matapos makakita ang Coast Guard Sub-Station Tubbataha ng oil sheen malapit sa baybayin kung saan lumubog ang  dive yacht noong Linggo ng umaga, Abril 30.     Sinabi ni PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo na patuloy ang monitoring sa sitwasyon sa lugar kung […]