Robredo camp nakahanda sa mas marami pang ‘dirty tricks’ ng kalaban
- Published on March 17, 2022
- by @peoplesbalita
INAASAHANG mas darami pa ang “dirty tricks” at propaganda ng mga katunggaling partido kaya nakahanda ang kampo nina Vice President Leni Robredo at running mate na si Senador Francis “Kiko”Pangilinan.
“Nararamdaman na ng mga kalaban ang init kaya sagad-sagarin na ang kanilang maduming propaganda para hadlangan ang pag-usad ng kampanyang Leni-Kiko,” ani senatorial aspirant Alex Lacson.
“Tradisyunal at lumang istratehiya na ang hilahin pababa ang mga kalaban sa politika,” sabi ni Lascon na pinatutungkulan ang “red-tagging” at iba pang black propagandang ibinabato kay Robredo.
“Maliwanag na ‘yan ay propaganda,” aniya. “Wala silang; mahanap sa aming kandidatong si VP Leni, sa kanyang pagkatao, sa kanyang track record, kaya maghahanap ng ibang issue,” dagdag ni Lacson.
Sabi naman ng dating kongresista na si Teddy Baguilat, na kandidatong senador sa ilalim ng hanay ni Robredo, noong 2016 nagsimula ang mga “dirty tricks” at paninirang ipinupukol para ilihis ang atensyon ng publiko sa tunay na usapin.
Binigyan-diin ni Baguilat na “walang alyansa” sa pagitan ng kampo ni Robredo at mga rebeldeng komunista ngunit tiniyak niyang bukas ang susunod na pangulong Robredo na “ituloy ang usapang pangkapayapaan.”
Sinabi ni Baguilat na patunay ang dami ng taong pumupunta at sumusuporta sa mga political rallies ni Robredo na hindi epektibo ang ginagawang paninira ng mga kalaban.
Sabi naman ng dating kongresista na si Erin Tañada at campaign manager ng senatorial slate ng Robredo-Pangilinan camp, na kung referendum ang attendance sa mga political rally, “tukoy at alam na ng mga kalaban ni VP Leni na lumayo na sa kanila ang publiko.”
-
Gobyerno, pinag-aaralang mabuti kung paano imo-motivate ang LGUs para tugunan ang malnutrisyon
PINAG-AARALANG mabuti ng national government kung paano bibigyan ng insentibo ang local government units (LGUs) sa laban nito sa malnutrisyon. Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isinagawang paglulunsad ng Philippine Multisectoral Nutrition Project (PMNP), isang collaborative effort sa pagitan ng Philippine government at World Bank na naglalayong paghusayin ang nutritional […]
-
Planong gumawa ng sariling YouTube channel para madetalye: DIEGO, naging open sa mga pinagdaanan nang magpa-rehab
DOBLE ang pagdiriwang nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva dahil bukod sa kaarawan ng aktres, ibinalita rin sa kanila na extended ang pinagbibidahan nilang GMA Afternoon Prime series na ‘Makiling’. Ipinagdiwang nina Derrick at Elle ang kaarawan ng dalaga sa Batangas. “This time kasama ko si Derrick pati si […]
-
DBM binida baryang wage hike! Kahit 3-in-1 coffee ‘di pasok sa budget
“ANONG umento sa mga kawani ng gobyerno sa 2023 [ang] ipinagmamalaki ng DBM (Department of Budget and Management) gayung ni hindi makabili ng 1 sachet ng 3-in-1 coffee ang barat na umentong binigay ng pamahalaan sa nakaraang apat na taon?” Ito ang patutsada ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) chairperson Vladimer Quetua sa […]