• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Robredo camp, pinag-iisipan ang legal action laban sa nagpapakalat ng fake news sa social media

BILANG bahagi ng kanyang kampanya laban sa  “disinformation” at kasinungalingan, kinokonsidera ng kampo ni  outgoing Vice President Leni Robredo ang gumawa ng legal action laban sa mga nagpapakalat ng  fake news sa social media matapos ang kanyang termino sa Hunyo 30 .

 

 

“Sa darating na mga linggo at buwan, tayo ay maglulunsad ng isang malawakang pagkilos at inisyatiba para tugunan at kalabanin itong paninira at paglaganap nitong fake news at kasinungalingan sa social media. Klaro na itong klase ng kalakaran ay nakakasira sa ating demokrasya at maayos na diskursong pampubliko,” Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni  Robredo.

 

 

“Pinag-uusapan, kasama ng ilang grupo ng mga abogado, ang pagsasampa ng kaso laban doon sa mga tao na pinipilit na ipagpatuloy ito at posible ring laban doon sa mga mismong plataporma na nagho-host ng mga ganitong klaseng materyales gayang mga social media platforms na meron tayo sa kasalukuyan,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Paliwanag ni Gutierrez,  hindi nila ito  ginagawa  para lamang kay Robredo kundi para rin sa kapakanan at kabutihan ng buong bansa at ng buong lipunan.

 

 

“Kailangan mapalabas natin ‘yung totoo. Kailangan ang ating usapan ay nakabatay sa katotohanan at datos, at hindi sa fake news,” ayon kay Guttierez. (Daris Jose)

Other News
  • DepEd: Late enrollees tatanggapin

    SINIGURO ng Department of Education (DepEd) na kaagad tatanggapin ang late enrollees.   “Once registered on Monday, learners will get accepted right away,” ayon kay DepEd Undersecretary for Planning Jesus Mateo.   Ngunit ayon kay Mateo na maghihintay pa ang mga ito ng tagubilin sa guro upang isaayos ang kanilang gagamitin.   Ayon sa ahensya, […]

  • PBBM, nakahamig ng P14.5B investment commitments sa Japan trip

    INIULAT ng administrasyong Marcos, araw ng Lunes ang  P14.5 billion na kabuuang puhunan kasunod ng business event ng Department of Trade and Industry-led (DTI) sa idinaos na  ASEAN-Japan Commemorative Summit sa Tokyo, Japan.     Sa ilalim ng bagong nilagdaang kasunduan at pledges updates, sinabi ng mga trade officials  na ang investments commitments ay maaaring […]

  • Ads December 8, 2022