• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Robredo: ‘Dapat matapos ang pagbabakuna sa lahat ng Pilipino bago mag-2023’

Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang mga opisyal ng pamahalaan na sikaping mapabilis ang pagtuturok ng COVID-19 vaccines sa buong populasyon ng bansa.

 

 

Pahayag ito ng pangalawang pangulo matapos sabihin ng Department of Health (DOH) na posibleng abutin pa ng 2023 bago maturukan ng bakuna ang lahat ng Pilipino.

 

 

“Dapat ‘yong goal natin better than 2023. Nakakapag-alala ‘yon kasi as of now, ang daming naghihirap na mga Pilipino, ang dami nang nawalan ng trabaho, so dapat ‘yong goal natin the faster na mabakunahan ang mas maraming tao,” ani Robredo.

 

 

“Dapat gan’on. Para mas mabilis na makaka-recover ‘yong economy natin. So dapat pagtulung-tulungan talaga natin.”

 

 

Sa isang panayam, sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na plano ng gobyernong mabakunahan ang target na populasyon pagdating ng 2023.

 

 

“So that we have that wide margin if in case the delivery will not be on time,” ayon sa DOH official sa panayam ng ANC.

 

 

Ayon sa bise presidente, handa siyang magpaturok ng bakuna para mahikayat ang mga Pilipinong tumanggap ng COVID-19 vaccine.

 

 

Ito ay kahit mayroong itinakdang priority list ang gobyerno para sa mga unang matuturukan ng bakuna.

 

 

“Mayroong inilabas na ‘yong IATF na parang prioritization. Susundin natin ‘yon. Ang priority natin, healthcare professionals at elderly.”

 

 

“Pero kung kinakailangan na magpabakuna tayo una, in public, para ma-encourage ‘yong tao magpabakuna gagawin natin ‘yon.”

Other News
  • Bulacan, isinusulong ang mas pinalakas na mga kooperatiba, inilunsad ang GO KOOP Dashboard

    TUNAY na isinasabuhay ng Lalawigan ng Bulacan ang reputasyon nito bilang “Cooperative Capital of the Philippines” sa paglulunsad ng kanilang makabagong GO KOOP Dashboard na pinasinayaan noong Oktubre 5 sa Victory Coliseum sa San Rafael, Bulacan sa ginanap na Kick -Off Ceremony at Motorcade para sa pagdiriwang ng 2024 Cooperative Month.   Sa temang, “Empowering […]

  • Mahigit $100M, ilalaan para sa infrastructure investments sa EDCA sites

    INAASAHANG nasa mahigit $100 million ang ilalaan sa infrastructure investments para sa bago at existing Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa katapusan ng fiscal year 2023.     Sa joint media briefing kasama ang mga opisyal ng Amerika at Pilipinas, sinabi ni US Secretary of Defense Lloyd Austin III na ang nasabing investments ay […]

  • Kasong kriminal at administratibo ihahain kina PhilHealth President at CEO Morales at iba pa

    INAPRUBAHAN ni Pangulong  Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng  task force PhilHealth na sampahan ng kasong kriminal at administratibo ang nagbitiw na si Philippine Health Insurance Corp. Ricardo Morales at ilang  executives kaugnay sa iregularidad sa state insurer.   Mismong si Pangulong Duterte  ang nagbasa ng rekomendasyon ng  task force sa public address nito, Lunes […]