• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Robredo, Moreno walang kuwestiyon sa COC

POSIBLENG  anumang oras ngayon ay maiproklama na sina presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at kanyang running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang bagong pangulo at ikalawang pangulo ng bansa.

 

 

Sinabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, na dahil sa manifestation ng mga abogado nina Vice President Leni Robredo at Mayor Isko Moreno kaya posibleng mapaaga ang tapos ng canvassing ng mga boto ngayong araw.

 

 

“By early afternoon we should be done,” ayon pa kay Zubiri na co-chairman ng National Board of Canvassers (NBOC).

 

 

Ito ay dahil sa gitna ng canvassing ay nag-manifest si Atty. Romulo Macalintal na hindi na sila tututol sa resulta ng mga certificate of canvass (COCs) gayundin ang sinabi ng abogado ni Isko Moreno na si Atty. Rizalina Romera.

 

 

Sa pahayag ni Macalin­tal, nag-wave na ang kampo ng outgoing vice president ng kanilang appea­rance sa joint canvassing committe para mapabilis ang proseso ng bilangan ng boto para sa mga kandidato sa presidential race.

 

 

“We interpose no objection to the inclusion of all the certificates of canvass for president from the various provincial and city boards of canvassers found by this honorable board to be authentic and duly-executed,” pahayag ni Macalintal.

 

 

Matapos nito ay kaagad tumayo sa plenaryo si Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni presumptive president Bongbong Marcos at ipinaabot kay Robredo at Moreno ang pasasalamat sa pagkilala ng mga ito sa integridad ng resulta ng katatapos lang na eleksyon.

 

 

Bago ito ay nag-convene ang joint congressional canvassing committee na siyang magka-canvass ng boto para sa presidential at vice-presidential elections. Dumalo sa joint session ang may 20 senador at 296 kongresista.

 

 

Sa pangunguna nina Senate President Tito Sotto at Speaker Lord Allan Velasco ay unang agenda ang pag-adopt sa mga alituntunin para sa gaga­wing canvassing kung saan ang mga senador at kongresista ang tatayong National Board of Canvassers (NBOC).

 

 

Dakong 10:30 ng umaga nang ipag-utos ni SP Sotto sa House at Senate secretariat na isa-isang buksan ang bawat balota kung saan nauna rito ang ballot boxes mula sa Embahada ng Pilipinas sa Cambodia.

 

 

Unang sinuri ang serial number at lock seals ng bawat envelope gaya ng nailatag na tuntunin at saka muling lalagyan ng seal ang mga certificate of canvass na nasuri na.

 

 

Sa ilalim ng mga na­pagkasunduan alituntunin sa panahon ng canvassing, ang Joint Committee ang magdedesisyon sa mga tanong at isyu ukol sa COCs sa pamamagitan ng majority votes ng miyembro ng bawat panel na hiwalay na boboto ang Senado at Kamara.

 

 

Sakaling hindi magkasundo ang dalawang panel, ang magdedesisyon ay ang chairperson at kapag nagkaroon ng deadlock, ang reresolba ay ang Speaker at Senate President.

 

 

Tinataya naman na matatapos ang canvassing ngayong araw at maaa­ring magproklama ng mga nanalong kandidato sa Huwebes. (Daris Jose)

Other News
  • NTF-ELCAC exec, NegOr guv, Palace photog officers nag-oath taking sa harap ni PBBM

    PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  ang panunumpa sa tungkulin  ni retired Lt. Gen. Emmanuel Salamat bilang  executive director ng  National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).     Ibinahagi ni Pangulong Marcos  ang ilang larawan ng mass oath-taking ceremony na isinagawa sa President’s Hall sa Malacañan Palace sa Maynila.     […]

  • Ex-Pres. Duterte itinangging nasa kustodiya niya si Quiboloy

    PINABULAANAN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagtatago sa kaniyang bahay si Pastor Apollo Quiboloy.     Ito ay matapos ang bigong paghahanap ng mga otoridad sa Pastor noong suyurin ang kinaroroonan nito sa lungsod ng Davao.     Dagdag pa ng dating pangulo na maraming mga bahay sa Davao si Quiboloy kaya marapat na […]

  • Sikat na sikat at ramdam pati ng parents niya: DAVID, never talagang inisip na magiging artista

    TULOY ang showbiz career nina Jan Marini at mister niyang si Gerard Pizarras sa pamamagitan ng manager nilang si Rams David ng Artist Circle Management.   Pareho silang freelancer, hindi sila nakatali sa kahit na anong TV Network, ang pinakahuling serye ni Jan ay sa Kapamilya Network, ang ‘A Soldier’s Heart’.   “Pero inabutan yun […]