• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Robredo nanawagan para sa mas ‘organisadong’ pag-asikaso sa repatriated OFWs

Tinawag ni Vice President Leni Robredo ang pansin ng concerned agencies na nag-aasikaso sa repatriated Pinoy overseas workers dahil sa COVID-19 pandemic.

 

Nabatid kasi ng bise presidente na tila hindi pa rin organisado ang tulong sa mga umuwing OFW, kung saan karamihan ay na-stranded sa mga quarantine centers sa Metro Manila.

“Medyo disorganized talaga… nababasa natin sa Facebook, marami iyong nagpapaabot sa atin na ilang— Sinundo na sila sa hotel o sinundo na sila sa quarantine center, dinala na sila sa airport, pero ilang araw pa silang naglagi sa airport kasi walang kasiguruhan iyong flights,” ani Robredo sa kanyang weekly radio program.

 

Patuloy daw na nakakatanggap ng panawagan at apela para sa tulong ang Office of the Vice President mula sa mga OFW na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakukuha ang resulta ng kanilang COVID-19 tests. May ilan ding stranded sa airport.

 

“Sana nag-uusap-usap iyong mga ahensya. Kasi alam ko sa quarantine, ang iba under sa Bureau of Quarantine, mayroong under sa OWWA. Sana nag-uusap-usap sila para inventory saka iyong daloy mas efficient.”

 

May ilang Pinoy workers din umano sa abroad na wala pa ring natatanggap na update kung makakauwi na sila ng Pilipinas, dahil wala na rin silang trabaho doon.

 

Humingi naman nang paglilinaw ang bise presidente tungkol sa hakbang ng gobyerno na pauwiin ng kani-kanilang probinsya ang mga OFW.

 

“Hindi ko alam kung totoo ito, kasi iyong claim naman ng pamahalaan iyong mga pinabiyahe na pabalik sa mga probinsya ay cleared na.”

 

“Pero may mga mayors na nagrereklamo, isa doon si Mayor Richard Gomez ng Ormoc, na ang tagal nilang pinagdusahan na asikasuhin na walang nakakapasok na walang health clearance, tapos ito, parang pinipilit silang tanggapin. Hindi ko alam kung accurate, pero binabasa lang natin sa balita na nababasa natin.”

 

Ang “Hatid OFW sa Probinsya” na hawak ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay isa lang sa mga sangay ng Hatid Probinsya program ng pamahalaan.

 

Layunin nito na ihatid pauwi ng probinsya ang mga stranded OFW sa Metro Manila. Ang “Balik Probinsya” program naman ay hiwalay na plataporma para sa low-income families sa National Capital Region na nais umuwi ng kanilang mga probinsya. (Ara Romero)

Other News
  • History Is Still Written: The Story of ‘Maid in Malacañang’ Continues

    “MARTYR or Murderer”, the sequel to Darryl Yap’s Mega Blockbuster hit “Maid in Malacañang” is showing in cinemas on March 1, 2023.   And as expected, there is great rejoicing over this film coming from the director’s followers and supporters who made #MOMTheOfficialPoster trend for two days upon its official release on Monday, January 30. On […]

  • Disney-Pixar Reveals the Magical Teaser Trailer of ‘LUCA‘

    LAST year, Onward and Soul was released by Disney and Pixar and now the animation company is giving us something new in time for Summer 2021.     Watch the magical teaser trailer of Luca, their latest offering below: https://www.youtube.com/watch?v=YdAIBlPVe9s&feature=emb_logo     The coming-of-age animation is directed by Enrico Casarosa, director of Pixar’s 2011 Oscar®-nominated short “La […]

  • MAY KAPANGYARIHAN BA ang mga LGU na MANGUMPISKA ng DRIVER’s LICENSE?

    Wala.     Ayon sa DILG ay tanging LTO lang at ang mga deputized enforcers ng Ahensya ang may kapangyarihan na mag confiscate ng driver’s license.     Pero ayon sa Abogado ng Manila ay tuloy pa rin ang pagkukumpiska ng kanilang mga enforcers dahil sa ilalim ng Local Government Code ay may kapangyarihan ang […]