• April 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Robredo nanawagan para sa mas ‘organisadong’ pag-asikaso sa repatriated OFWs

Tinawag ni Vice President Leni Robredo ang pansin ng concerned agencies na nag-aasikaso sa repatriated Pinoy overseas workers dahil sa COVID-19 pandemic.

 

Nabatid kasi ng bise presidente na tila hindi pa rin organisado ang tulong sa mga umuwing OFW, kung saan karamihan ay na-stranded sa mga quarantine centers sa Metro Manila.

“Medyo disorganized talaga… nababasa natin sa Facebook, marami iyong nagpapaabot sa atin na ilang— Sinundo na sila sa hotel o sinundo na sila sa quarantine center, dinala na sila sa airport, pero ilang araw pa silang naglagi sa airport kasi walang kasiguruhan iyong flights,” ani Robredo sa kanyang weekly radio program.

 

Patuloy daw na nakakatanggap ng panawagan at apela para sa tulong ang Office of the Vice President mula sa mga OFW na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakukuha ang resulta ng kanilang COVID-19 tests. May ilan ding stranded sa airport.

 

“Sana nag-uusap-usap iyong mga ahensya. Kasi alam ko sa quarantine, ang iba under sa Bureau of Quarantine, mayroong under sa OWWA. Sana nag-uusap-usap sila para inventory saka iyong daloy mas efficient.”

 

May ilang Pinoy workers din umano sa abroad na wala pa ring natatanggap na update kung makakauwi na sila ng Pilipinas, dahil wala na rin silang trabaho doon.

 

Humingi naman nang paglilinaw ang bise presidente tungkol sa hakbang ng gobyerno na pauwiin ng kani-kanilang probinsya ang mga OFW.

 

“Hindi ko alam kung totoo ito, kasi iyong claim naman ng pamahalaan iyong mga pinabiyahe na pabalik sa mga probinsya ay cleared na.”

 

“Pero may mga mayors na nagrereklamo, isa doon si Mayor Richard Gomez ng Ormoc, na ang tagal nilang pinagdusahan na asikasuhin na walang nakakapasok na walang health clearance, tapos ito, parang pinipilit silang tanggapin. Hindi ko alam kung accurate, pero binabasa lang natin sa balita na nababasa natin.”

 

Ang “Hatid OFW sa Probinsya” na hawak ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay isa lang sa mga sangay ng Hatid Probinsya program ng pamahalaan.

 

Layunin nito na ihatid pauwi ng probinsya ang mga stranded OFW sa Metro Manila. Ang “Balik Probinsya” program naman ay hiwalay na plataporma para sa low-income families sa National Capital Region na nais umuwi ng kanilang mga probinsya. (Ara Romero)

Other News
  • Sales lady pinagsasaksak ng holdaper, todas

    Nasawi ang isang sales lady matapos pagsasaksakin ng isang holdaper makaraang pumalag ang biktima sa panghoholdap ng suspek sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.     Dead-on-arrival sa Ospital ng Malabon sanhi ng tinamong mga saksak sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktimang si Maribeth Camilo-Goco, 47 ng 282 Gen. Luna St. Brgy. Baritan.   […]

  • DOH humingi ng karagdagang P3.6-B pondo para sa special risk allowance ng mga health workers

    Humingi ng karagdagang P3.6 billion na pondo ang Department of Health (DOH) para sa special risk allowance (SRA) ng mga healthcare workers sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon kay Undersecretary Maria Rosario Vergeire.     Ayon kay Vergeire, nag-request na ang DOH para rito noong Abril at hinihintay na lamang sa ngayona ng tugon dito […]

  • Bago manalo ng Best Actor sa 94th Academy Awards… WILL SMITH, sinapak si CHRIS ROCK dahil kay JADA at nag-apologize din sa acceptance speech

    HISTORY making night na sinamahan ng kontrobersya ang naganap na 94th Academy Awards or the Oscars sa Dolby Theater in Hollywood.     Sa unang pagkakataon ay tatlong babae ang naging hosts ng Oscars na sina Wanda Sykes, Regina Hall at Amy Schumer.   “This year the Academy hired three women to host – because […]