• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Roderick Paulate ‘guilty’ sa graft, falsification of documents kaugnay ng ghost employees

HINATULANG nagkasala ng Seventh Division ng Sandiganbayan ang aktor at dating konsehal ng Quezon City na si Roderick Paulate sa graft at eight counts ng falsification of public documents kaugnay ng pagkuha ng “ghost employees” noong 2010.

 

 

Sinentensyahan ang komedyante ng hanggang walong taong pagkakakulong dahil sa kasong graft at hanggang anim na taong pagkakakulong sa kada count ng falsification offense.

 

 

Kung pagsasama-samahin ang parusa sa kanya, pwede itong pumatak ng mula 10 taon at anim na buwan hanggang 62 taon para sa lahat ng kaso.

 

 

Kasamang na-convict ni Paulate para sa graft charges ang kanyang driver at liason officer na si Vicente Bajamunde.

 

 

Taong 2018 nang maghain si Paulate, na kilala sa kanyang pagganap sa mga pelikula gaya ng “Petrang Kabayo” at noontime show na “Magandang Tanghali Bayan,” ng piyansa para sa mga nabanggit na reklamo. Noong taong ‘yon, gumanap pa siya bilang mayor sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”

 

 

Pinatawan naman si “Kuya Dick” ng 90-araw na suspensyon ng Department of the Interior and Local Government noong tumatakbo pa ang kaso. (Daris Jose)

Other News
  • Carlos Yulo nagkamit ng gold medal sa Japan tournament

    Nagkamit ng gold medal si Filipino gymnast Carlos Yulo sa 2021 All-Japan Senior and Masters Gymnastics Championship sa Yamagata.     Sinabi ng kaniyang coach na si Munehiro Kugemiya na nakakuha rin ito ng bronze medal sa vault event.     Dagdag pa nito na nagtala ng 15.30 points si Yulo sa floor exercise at […]

  • Ads May 11, 2021

  • CENTENARIAN NAKATANGGAP NG P10K REGALO MULA SA NAVOTAS LGU

    NAKATANGGAP ng P10,000 cash na regalo mula sa Pamahalaan Lungsod ng Navotas ang isangĀ  centenarian na nagdiwang ng kanyang ika-100th kaarawan kamakailan sa lungsod.     Personal na binisita para batiin at inabot ni Mayor Toby Tiangco, kasama si Cong. John Rey Tiangco at ilang konsehal ng lungsod ang P10,000 cash na regalo kay Lola […]