ROLLOUT NG PFIZER COVID-19 VACCINES, SINUMULAN NA SA NAVOTAS
- Published on May 20, 2021
- by @peoplesbalita
NAGSIMULA na ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas nitong Lunes ng inoculation sa mga rehistradong residente at mga manggagawa sa ilalim ng A2 at A3 priority group ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines.
Ang Navotas ay nakatanggap ng 1,170 vials, bawat isa ay naglalaman ng anim na doses, mula sa unang batch ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines na mula sa national government.
“To ensure we can provide the logistical requirements of these vaccines, the city government put up a cold room in Navotas Polytechnic College and procured a bio-refrigerator, single insulation transport cooler, and two ultra-low temperature freezers than can reach -86℃,” ani Mayor Toby Tiangco.
“The Pfizer-BioNTech vaccine allocation was given only after the national vaccination committee was assured that we are equipped to properly handle its storage and administration. Every is important and we are one with them in ensuring that none will be spoiled and wasted,” dagdag niya.
Ginamit ang refrigerator upang ligtas na mapanatili ang mga diluents ng bakuna, habang ang mga freezer ay maaaring mag-imbak ng 23,400 hanggang 35,100 na mga vial ng sensitibo at sobrang lamig na mga bakuna na nakasalalay sa temperature.
Noong Mayo 16, 16,742 mga residente at manggagawa ng Navotas ang nakatanggap ng kanilang unang jabs, habang 3,715 indibidwal ang ganap na ang kanilang dalawang dosis ng bakuna. Sa bilang na ito, 793 ang mga frontliner, 939 mga senior citizen, at 1,983 mga taong may comorbidities. (Richard Mesa)
-
Mr. M, happy and certified Kapuso na at magiging consultant ng GMA Artist Center
ISANG big welcome ang binigay kay Mr. M (Johnny Manahan) kahapon, July 13 sa naganap na online contract signing sa GMA Network. Doon nga nalaman kung ano talaga ang magiging position nila sa network, at tulad ng balita magiging consultant siya sa GMA Artist Center para maka-develop ng new breed of GMA artists. […]
-
NBA star JR Smith desididong maglaro ng golf
Desididong sumabak sa larong golf si two-time NBA champion JR Smith. Ito ay matapos na nag-enrolled siya sa North Carolina A&T State University para makasali sa golf team ng koponan. Desididong sumabak sa larong golf si two-time NBA champion JR Smith. Ito ay matapos na nag-enrolled siya sa North […]
-
60 bangkay ng PDLs inilibing sa NBP cemetery
ANIMNAPUNG bangkay ng Persons Deprived of Liberty (PDLs) na matagal nang nakalagak sa isang punerarya ang pinalibing na ng Bureau of Corrections (BuCor), sa New Bilibid Prison (NBP) cemetery sa Muntinlupa City kahapon ng umaga. Ang mga inilibing ay kabilang sa 176 na bangkay na matagal nang nakalagak sa Eastern Funeral Homes at […]